^

PSN Showbiz

Bagahe ni Arci nawala, pelikulang ginawa sa maldives lalaban sa Japan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagahe ni Arci nawala, pelikulang ginawa sa maldives lalaban sa Japan!
Arci Munoz

Hindi ramdam sa napanood naming eksena sa pelikulang Malditas in Maldives na nawalan ng luggage si Arci Muñoz on the way to Maldives.

Hindi ngarag ang hitsura niya sa movie na dinirek ng award-winning  director na si Njel De Mesa.

Anyway, aside from Arci, bida rin sa Malditas in Maldives sina Janelle Tee at Kiray Celis.

Kung tama kami, ang pelikulang ito ang kauna-unahang local film na nag-shooting sa nasabing luxury island sa Indian Ocean.

Ayon nga kay Direk Njel, pinahiram na lang si Arci ng bikini at iba pang outfit sa ibang eksena ng pelikula.

At doon nakita ni Direk Njel kung gaano ka-professional si Arci.

Sa totoo lang, kahit isang eksena lang ang pinapanood sa amin ni direk, pinatunayan kaagad nina Arci at Kiray na kaya nilang magpaiyak at magpatawa sa isang eksena.

Nakachikahan nga namin si Direk Njel recetly at dito niya ibinalita na for competition itong Malditas in Maldives sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

Collab ng kanyang pag-aaring NDM Studios at ni Arci ang pelikula na tungkol sa mga malditang vlogger na ginagawa lang naman ang lahat para sa mga taong mahal nila.

At isa lang ito sa mga pelikula ni Direk na lalaban sa first-ever Jinseo Film Festival.

“Based on scientific studies, before this century ends, the Maldives will be completely wiped out of the world map due to rising ocean levels.

 “And we’re proud that we’re the first local production to capture the breathtaking scenery of this archipelago by featuring it in our film,” banggit ni Direk Njel sa ilang kausap na entertainment press kama­kailan kaya talagang maganda rin kung mapapanood ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

“No one else has seen this clip aside from you. This is the scene when the characters finally realize that they are in a loop and are not sure if they’re in purgatory or paradise,” aniya sa pinapanood sa amin.

Ang isa pang pelikula ni Direk na lalaban sa Japan – official selection sa Jinseo Film Festival ay ang Must Give Us Pause starring Shaneley Santos and Cheska Ortega.

Nasa Spotlight entry ang Coronaphobia starring Daiana Menezes, Will Devaughn and Paolo Paraiso.

Ganundin ang pelikulang Mama San? nina Shaneley Santos, Razel Ichimiya, Ado Chan, Fab Montemayor and Jaira Mara.

May special screening (free admission) ang Subtext na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Ciara Sotto, Ely Cellan, Hannah Arguelles, Nova Villa and Boboy Garovillo.

Ganundin ang Creepy Shorts Anthology nina Will Devaughn, Kazuo Nawa, Artist Orbista and Princess Lerio.

Kabilang ang mga nabanggit na pelikula sa sampung natapos ng production ni Direk Njel.

Sunud-sunod nga ang ginagawa niya pero hindi aniya siya nagmamadali at binibigyan niya ang production ng kailangan nilang oras. “It’s been an exciting journey. Having full creative freedom allows me to pour my heart into every aspect of these projects,” katwiran niya.

Samantala, mapapanood din sa Jinseo Arigato International Film Festival sa May 25 at 26 ang obra ni Catherine Camarillo na That Kind of Love nina Barbie Forteza at David Licauco; Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger; at ang horror film na Mananambal nina Bianca Umali at Nora Aunor.

ARCI MUNOZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with