Janno, nilantad ang totoong nangyari sa pagkamatay ng amang si Ronaldo!
Disyembre noong isang taon nang pumanaw ang ama ni Janno Gibbs na si Ronaldo Valdez. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Janno ang mga huling mga buwan na nakapiling ang ama. “Hindi alam ng lahat that my mom and dad split last year. So, I made my dad live with me. We were living together for a year. So everyday kasama ko siya. That was the most quality time that I’ve spent with him. Iba ‘yung araw-araw eh, quantity. Iba ‘yung quantity sa quality. Iba ‘yung quality time, paminsan-minsan pero special. Ito hindi, iba kasi araw-araw kasama mo. At least I had that before and nadirek ko pa siya (sa pelikulang Itutumba Ka Ng Tatay Ko),” pagbabahagi ni Janno sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nakapagpaalam pa umano si Janno sa beteranong aktor sa kanilang bahay noong mga sandaling kritikal ang kondisyon ng ama. “Nakapagpaalam ako sa kanya, before the ambulance came. I was there in his horrible state. I got to sing my goodbyes. I was talking to him but of course he’s not answering anymore. I got to kiss him and say I love you, he was breathing pa,” emosyonal na kwento niya.
May mga pagkakataong nakakalimutan ni Janno na pumanaw na ang ama. Madalas daw itong mangyari dahil maglilimang buwan pa lamang ang nakalilipas nang mawala sa kanyang piling si Ronaldo. “Kailan pa lang naman eh. So I forget, halimbawa my family birthday kami. Naiisip ko makikita ko siya, tapos, ‘Ah oo nga pala,’ nakakalimutan ko. Or I’d buy something na food, foodie ‘yan eh, daddy ko, bibilhan ko, ‘Ay! Oo nga pala, wala na pala,’” paglalahad ng singer-actor.
Mas tumibay ang relasyon nina Janno at Bing Loyzaga dahil sa pagkawala ng ama ng aktor. Sa ngayon ay magkasama pa rin ang mag-asawa sa iisang bubong taliwas sa mga ispekulasyon ng ilan. “Sabi nila, ‘Nagbalikan ba, naghiwalay?’ Wala naman, we’re married. We just had bad days, bad moments. We’re in a good place now especially because of what happened to my dad. It was me and Bing who was there. Kami lang ang nakakita sa kanya in his state. Na-traumatize si Bing eh. Kasi wala na rin ang daddy niya, daddy ko ang daddy na niya. So hindi ko siya pwedeng iwanan. Hindi rin niya ako pwedeng iwanang mag-isa. I think kami ang security blanket ng isa’t isa sa ngayon,” paglilinaw ni Janno.
Samantala, kontrobersyal pa rin ang Instagram handle ni Janno na jannolategibbs. Ayon sa komedyante ay sinakyan na lamang niya ang bansag sa kanya ng ilang mga nakatrabaho noon. “Of course I’m notorious for that label. ‘Kapag si Janno, late ‘yan!’ So sinakyan ko na lang just for fun, comedy, for laugh. But later on, no’ng negative na ang dating, it was affecting my job. ‘Ayoko nang kunin ‘yan, nale-late ‘yan!’ Hindi na ako nale-late ever since I entered Viva. I must admit, I was a little difficult before. But ever since I reentered Viva, I’m always on time. Kahit maaga ang shooting, nando’n ako. So, I want to change my IG handle. Ayaw ng IG, parang sinasabi niya, ‘You have too much followers’ na, parang gano’n. But I want to change it actually. Hindi na po ako nale-late, absent na lang po ako. ‘Di naman ako sobrang late. I mean, I can name worst actors. Mine is coming from insomnia. I’m still there but there’s no cure. I’ve been to a lot of doctors, but gano’n lang. ‘Fix your sleeping habits. Take your medicines.’” paglalahad niya. (Reports from JCC)
- Latest