Ang dalawang dekadang pagmamahalan nina Mark at Tanya
Halos labing limang taong nawala sa sirkulasyon ang aktres na si Tanya Garcia dahil sa mas binigyan nya ng panahon ang kanyang pagiging ina at may bahay ng aktor na si Mark Lapid. (di kaya ng powers ko maging ilaw ng tahanan!) Pero nitong nagkaraang buwan, napanuod sya sa Philippine adaptation ng Korean Film na Sunny mula sa Viva Films. Nakasama nya rito sina Vina Morales, Candy pangilian Angelu de leon , Sunshine Dizon., Ana Roces at Katya Santos. (bakit di ako sinali rito?!)
Actually may kaba nung una pero yung mga nakasama ko naman rito, mga friends ko rin naman, like si Sunshine, Katya. Si Angelu is a good friend. Ang una ko lang nakatrabaho rito sina Ms. Vina and Candy. Pero siempre kilala ko naman sila. Kaya madali naman naka-adjust. “ Paglalahad ni Tanya. (dapat maging friends ko rin mga yan!)
Madali naman daw sya napa-oo sa proyekto lalo pa’t isa syang fan ng mga Korean series. “Una nung tinawagan nila ako. Di naman daw ako magshoot ng full length o yung sobrang tagal na di ko talaga kaya. Tapos familiar ako duon sa movie at story. “(pwede akong double mo girl, pag tumagal ang shooting next time!)
Naging bonding time na rin daw nilang mag-asawa ang ma-nuod ng mga K dramas. Sa katunayan, kakagaling lang nilang Switzerland at pinuntahan nila ang isang location kung saan ginawa ang Crash Landing on You. (ay si Papa Hyun Bin ko!)
“Naging favorite ko rin si Lee Seung Gi dahil sa Vagabond. Siempre Action.” Pagbibida ni Mark. (ay si James Bond palang nakarir ko!)
“Ako nga pumunta pa sa fan meeting ni Lee Seung Gi sa New Frontier. Sinama ako ni Rose Garcia. Kasi magaling naman talaga sya. Singer din sya.” Dagdag ni Tanya. (si Rose ang may pakana ng lahat ng ito!)
Si Mark na dating Pampanga Governor ay Chief Operating Officer ngayon ng Tourism Infrasctracture and Enterprise Zone Authority o TIEZA. (ay pwede akong Miss Tourism!). Aktibo pa rin sya sa showbiz, naging bahagi sya ng Ang Probinsyano at ngayo’y nasa Batang Quiapo. Kakatapos lang din nyang makuha ang kanyang Phd in Business Administration mula sa Pamantasan ng Lungsod na Maynila. Sa ngayon, wala syang balak na bumalik sa pulitika. (ayaw pakabog ha!) “Si Erpats, Si Senator Lapid will seek reelection sa Senate. Pero ako wala plano bumalik sa pulitika. “
Sa kanilang guest appearance sa aming Youtube Channel na Marites University, nabanggit nilang dalawang dekada na silang mag-asawa pero hindi pa sila makapagdesisyon kung magkakaroon sila ng church wedding. (ay baka unahan ko pa kayo!)
“Hanggang ngayon nga nagpopropose pa rin ako sa kanya na pakasalan nya ako sa simbahan. Hindi pa kami nagchurch wedding. Ang sagot nya lang I’ll think about it.” Pagbabahagi ni Mark. (baka ayaw nya kasi saging lang ang may puso?!)
“Kasal nanaman kami, civil. Siguro im happy and content naman with our family. Kumbaga buo naman kami. Siempre sinasabi nung iba, yung church wedding yung mag-seseal ng relationship o magbebless.
Nagdarasal kami ha. don’t get me wrong. We pray as a family. May relihiyon naman kami
Pero para sa’kin kasi complete naman na kami. Ok nanaman kami. “Pagpapaliwanag ni Tanya (basta pagnagkaroon, hagis mo sakin yung bouquet ha!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest