Pastry chef Sarah Geronimo nagbabalak pasukin ang 'food business'
MANILA, Philippines — Maliban sa pagiging baker at pop star, gusto na ring pasukin ng singer-actress na si Sarah Geronimo ang larangan ng pagnenegosyo ng pagkain.
Ito ang ibinahagi ni Sarah G. sa YouTube vlog ng mister na si Matteo Guidicelli, ito matapos matanong kung bakit nag-aral pa siya sa Heny Sison Culinary School at hindi na lang nag-aral ng baking online.
"I wanted to make it eventually into a food business," wika ni Sara video na in-upload ngayong Lunes.
"Sayang din naman 'yung na-acquire mo na knowledge kung kayo-kayo lang within your family lang 'yung mashe-share mo 'yung baked goods mo or 'yung cooking mo."
Hunyo 2022 lang nang ibahagi ni Matteo ang pag-graduate ni Sarah sa baking school, ito kahit na noong COVID-19 lockdown lang siya nagsimulang mag-bake.
Aniya, naintriga siya rito matapos sundan ang ilang recipe sa YouTube. Gayunpaman, determinado raw siyang matutunan ang mga proper technique sa likod nito.
Sa kabila nito, hindi pa natitiyak ni Sarah G. kung kailan niya bubuksan ang kanilang bakeshop. Patawang suggestion ni Matteo, "Sarah All" na lang daw ang ipangalan dito.
"Matagal pa 'yan kasi siyempre meron pa akong... hesitant pa ako," sabi ni Sarah.
"'Pag sinabi mong food business, kailangan maayos na maayos talaga 'yan. Kasi ano 'yun eh, kinakain 'yan ng mga tao eh."
Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang kundenahin ni Matteo ang isang kumakaalat na "fake promo," bagay na siyang gumagamit daw sa pangalan nila ni Sarah.
Disyembre lang nang sabihin ni Matteo na Christmas wish niyang magkaroon na ng baby sa kanyang wifey ngayong 2024.
- Latest