Luis, nagka-cancer scare
For a change ay hindi patawa ang laman ng vlog ni Luis Manzano.
Aniya “Walang joke, walang prank may kinailangang tanggalin at i test/ biopsy sa ulo ko,” caption niya sa vlog niya.
“Hindi kasi araw-araw na naririnig mo ‘yung salitang biopsy, ‘yung pagdaraanan mo na, ‘uy may kailangang i-biopsy sa ‘yo,” umpisa niya.
Kaugnay ito sa napansin nilang lumaking nunal niya sa ulo.
Aware si Luis na may nunal siya sa ulo noon pa.
Actually, running joke niya na kaya siya matalino ay dahil sa nasabing nunal.
Meron din daw siya nito sa paa at labi kaya gala siya at madaldal.
Kaya wala lang sa kanya sana ito.
Pero napansin ng make-up artist ni Luis ang parang lumalaking nunal.
Bagama’t ilang beses na niyang ipinatingin sa mga doctor ito pero ang karaniwang sinasabi ay wala lang ‘yun at hindi dapat mag-alala.
“Kapag may bukol, cancer comes to mind, ang cancer kasi is one of those things na kahit sa kalaban mo hindi mo iwi-wish ‘yun.
“Ang dami kong kakilala na unfortunately nadale na ng cancer and you see people going through and you can see that it’s very life changing para sa kanila.
“Even if nandun pa ‘yung reassurance na sinasabi nila na, ‘ay wala ‘yan’ precautionary ‘yan pero kapag may point zero 10x one, nakaka-bad trip,” pagtatapat niya.
Kaya naman para sa kanyang peace of mind, ipinatanggal ni Luis ito at ipina-biopsy.
Hindi niya kaagad ito sinabi sa kanyang mommy and daddy – Vilma Santos and Edu Manzano maging sa kanyang stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto.
Ang misis lang daw niyang si Jessy Mendiola ang may alam at ilang barkada ganundin ang mga kasama sa bahay.
“’Pag nalaman ni mommy ‘to, magkakagulo si mommy, kahit wala pang result, sigurado every .6 seconds, tatawagan niya ako,” dagdag pa niya pa.
Nang malaman nga raw ito ng mommy niya ay napaiyak pa raw ito.
Mahigit isang linggo ang kanyang agony sa paghihintay sa biopsy nito.
Nakahinga siya nang maluwag dahil nga hindi cancerous ang nasabing nunal kahit lumalaki.
Aniya, kaya niya ito ginawa ay para na rin magkaroon ng awareness ang marami na dapat bantayan ang mga iba’t ibang nunal sa katawan.
“Nakuha ko na ‘yung results from Makati Med at sinabi nga na benign, clear. Nag-mini-celebration ako, nagpaikli ako ng buhok -gupit military.
“Paminsan-minsan may mga ganu’n tayo small joys sa buhay at ako isa sa small joys ko ‘pag bagong gupit ako.
“Hindi parati ‘yung manalo ka ng one million, hindi parati ‘yung ikaw ‘yung best sa office, ikaw ‘yung pinakamataas na grades.
“May mga small joys tayo sa buhay na hindi rin biro ang ngiting naibibigay sa atin,” ang huling bahagi nito kung saan makikita ang lahat ng detalye ng pagpapakuha niya ng bahagi ng nunal upang ma-biopsy.
- Latest