Cedric, nakangiting sumuko
Pagkatapos ilabas ang desisyon ng Taguig RTC sa kasong Serious Illegal Detention for Ransom laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pang kasama, may nagparating na sa ilang media ng feeler na susuko na raw si Cedric Lee.
Kinagabihan nga bandang alas-nuwebe ng gabi ay sumuko na si Cedric sa NBI.
Nakunan ito ng reporter namin sa DZRH na dumaan siya mga proseso bago ito ikulong.
Kinunan siya ng fingerprints at mugshot na nakangiti pa ito.
Nasa ilalim na nga ngayon sa kustodiya ng NBI si Cedric.
Pero maaaring dadalhin na rin siya sa NBP na kung saan doon na rin dinala si Zimmer Raz.
Ang hinihintay na lang ay si Ferdinand Guerrero na kagaya ni Cedric ay wala rin siya nung binasahan ng sentensya sa sala ni Judge Mariam Bien ng Taguig Regional Trial Court.
As of yesterday ay wala pa kaming sagot na nakuha mula kay Vhong Navarro at sa kampo nito.
Kahit si direk Chito Roño ay hindi rin sumasagot sa text message namin para hingan namin ng pahayag sa resulta ng kaso.
Nagsalita na rin naman si Vhong sa It’s Showtime na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at dumamay sa kanya sa pinagdaanan niyang ito.
Ang lolo naman ni Deniece na si Rod Cornejo ay nakapanayam ng TV5 at sinabi nitong bumilib siya sa katatagan ng kanyang apo.
Hindi raw ito umiyak o gumawa ng eksena. Tahimik lang daw ito sa kanyang tabi.
“I was beside her all the time. And I was amazed by her composure no?
“She was very quiet. She maintained her composure and she was telling me that justice will really prevail.
“I look at Deniece a very strong woman for her age,” bahagi ng pahayag ni Mr. Rod Cornejo.
Yasmien, mas hirap pa rin sa first baby
Ipinadala sa amin ni Yasmien Kurdi ang litrato ng kanyang anak na si Raya Layla.
Ang litratong ‘yun ay kuha raw nang pagkalabas ng baby sa delivery room.
“Ikaw na magsabi, Tito, kung sino ang mas kamukha hehehe!” text sa akin ni Yasmien.
Ang sabi raw kasi ng Mommy niya, kamukha raw niya nung sanggol pa ito. Pero sabi naman daw ng biyenan niya, mas kamukha raw ito ng asawa niyang si Rey Soldevilla nung baby pa ito.
Kaya bahala na raw tayo tumingin kung sino talaga ang mas kamukha.
Gusto raw sana talaga ni Yasmien na iluwal nang normal ang kanyang pangalawang baby, pero manipis pa raw ang scar niya sa unang caesarean operation nung ipinanganak niya si Ayesha.
“Pinili ko na po ang May 1 for Raya’s delivery… sabay sana ng birth month ng Daddy. Kaso napaaga po ang labor ko. April 28 ng madaling araw tumitindi na po ang contractions ko at dumadalas na siya pagdating ng umaga. (
“Kaya sinugod na po ako ni Rey sa hospital. Dun na rin po kami nag-decide na ituloy na ang CS for Raya’s delivery,” text uli sa akin ni Yasmien.
Mas mahirap pa rin daw ‘yung panganganak niya sa panganay niyang anak.
Medyo nahirapan lang daw itong recovery niya kay Raya dahil pangalawang caesarean operation na niya ito.
May timbang daw na 6.8 pounds si Baby Raya.
Vlog-style show, uso na
Bukas, May 5, at magsisimula na ang bagong vlog-style culinary program sa PTV 4 na pinamagatang Eat’s Fun na ihu-host ng entertainment at lifestyle journalist na si Leslie Ordinario.
Mapapanood ito tuwing Linggo ng 10:30 ng umaga na kung saan ipi-feature ni Leslie ang mga masasarap na recipes, food trends, heirloom dishes kasama na roon ang iba’t-ibang lugar sa bansa na hindi pa gaanong na-explore.
- Latest