^

PSN Showbiz

Top 12 teen artists, magtatapatan sa live semifinals ng The Voice Teens

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Top 12 teen artists, magtatapatan sa live semifinals ng The Voice Teens
The Voice Teens

Live na live ang biritan ng top 12 teen artists sa kanilang semifinals tagisan simula ngayong Sabado at Linggo sa The Voice Teens Philippines Season 3.

Bago ang pagsisimula ng live performance rounds, dumaan sa matin­ding knockout rounds ang teen aspirants nina Coach Martin Nievera, Bamboo, at KZ Tandingan kung saan tig-apat na lang sa kada team ang matitira para umabante sa semifinals.

Unang sumalang ang teen artists ng MarTeam, kung saan sina Colline Salazar (15 y.o.), Wendy Figura (15 y.o.), Steph Lacuata (16 y.o.), at Sofie Pangilinan (15 y.o.) ang lalarga sa next round.

Sunod namang pinili ni Bamboo sina Antonette Sison (16 y.o.), Jillian Pamat (15 y.o.), Nicole Olivo (15 y.o), at Maelynn Rapista (17 y.o.) na aabante sa semifinals para sa Kamp Kawayan.

Huli namang sumalang ang Team Supreme hopefuls, kung saan pinili ni KZ sina Bianca Ilagan (17 y.o.), Hargie Ganza (16 y.o.), Yen Victoria (16 y.o.), at Pia Carandang (16 y.o.) na mapabilang sa top 12.

Mas hihigpit pa ang kompetisyon dahil hawak na ng mga manonood ang desisyon kung sino ang aabante sa next round.

Bago nito, mas kilalanin muna ang top 12 teen artists sa kanilang “5 Facts” features, na mapapanood na sa official Facebook at YouTube accounts ng The Voice Teens Philippines.

 

THE VOICE TEENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with