Maricel, dinadawit sa bawal na gamot?!
Ano kaya ang magiging epekto sa ating Diamond Star Maricel Soriano ang recent na mga pahayag ni Senator Bato dela Rosa allegedly linking her to the issue on drugs?
Bakit kaya lumalabas ang mga balitang ganito lately?
Sana lang hindi ito makaapekto sa momentum ni Maricel na active ngayon sa paggawa ng programa sa telebisyon at pelikula.
Cedric at Deniece 40 years na kulong, aapela kaya?
Sa paglabas ng balita about Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa iba pa, na pinatawan ng parusang 40 years na pagkabilanggo matapos hatulang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ni Vhong Navarro, mag-aapela ba ang kampo nila?
Posible, ‘di ba? Katigan kaya sila ng appeals court? We’ll see.
Pepe, kinabog sa takilya ang Marven!
Totoo bang tinalo pa ni Pepe Herrera ang tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo sa pelikula nilang nagbukas noong Wednesday?
Parehong hindi naka-hit ng P1M mark ang dalawa, pero nakaungos talaga ang pelikula ni Pepe.
Paano na ang pinaplanong teleserye starring MarVen?
May following nga ba sila?
Ogie at Cacai, sanib-pwersa sa concert ni Martin!
Pagkatapos ng major concert ni Gary Valenciano, totoo ba na magsasanib-puwersa sina Ogie Alcasid at Cacai Velasquez para ipag-produce ng major concert naman ng Concert King Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa September?
Ang saya at ang ganda lang tingnan na nagtutulungan at nagsusuportahan ang artists ngayon – at cool sila sa pagpu-push ng career ng isa’t isa. Kahit nga pag-gueguest nila sa gigs ng bawat isa, hindi pera-pera ang motivation – kundi suporta talaga sa fellow artists.
Sana ganito na lang palagi, suportahan na, hindi labanan.
Nakakata-quote:
“So my (and hopefully my tito’s) ask for you all is this: recognize your human genius. Recognize and uplift the human genius in others. Be a little more Quintosian. That way, Floy Quintos can live on in all of us. And my Tito Floy can rest in peace with his beloved father, mother, and all the Quintosians who have gone before us. Tito Floy, give all of them up there the biggest, warmest hug for us. At pakiusap naman kay Lord, AWAT NA.” – Celina Quintos, pamangkin ng yumaong theater, TV and events writer and director Floy Quintos
- Latest