Kaila, nakahanap ng totoong pagmamahal sa CBML
Magwawakas na sa May 10 ang Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Kabilang din sa naturang serye si Kaila Estrada. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga manonood na tumangkilik sa seryeng napanood sa iba’t ibang platforms. “Super grateful kaming lahat. Thank you so much for supporting the show,” bungad ni Kaila.
Ayon sa anak nina Janice de Belen at John Estrada ay kakaibang karanasan na makatrabaho ang mga kasamahan sa serye. Ginampanan ni Kaila ang karakter ni Bettina Tiu sa programa. Kabilang sa pamilyang Tiu ang mga karakter nina Belle, Rowell Santiago, Agot Isidro, Maris Racal, Joao Constancia at Albie Casiño. “The genuine bond that we had made the work so light, kahit na mabigat ‘yung mga eksena namin, lalo na sa Tiu family. There’s just genuine love there. So ang saya. It’s a great experience,” paglalahad ng aktres.
Ice, nahirapang pumili ng kanta sa videoke…
Maraming dapat pakaabangan ang mga manonood sa nalalapit na concert ni Ice Seguerra. Gaganapin ang Videoke Hits concert ng singer-composer sa Music Museum sa May 10 at 11. “I like the concept of the show kasi parang I sing songs that I normally don’t sing,” bungad ni Ice.
Aminado ang singer-composer na talagang nahirapan sa pagpili ng mga kanta para sa naturang concert. “When we were doing the line-up, so far ito ‘yung pinaka-challenge ako. Kasi sobrang daming kanta na kailangan mo i-fit sa 25 (songs). My God, it’s not enough, I swear. Sabi ko nga kung walang time limit I could go on and on. Maybe it’s because I love it so much and ito, it is something I like to do, videoke,” kwento niya.
Nakatulong ni Ice ang asawang si Liza Diño na nagsilbing Creative Director sa konsepto at pagpili ng mga kanta sa nalalapit na concert. “We have different segments. Number one, ‘Welcome To My Videoke World.’ That’s where you hear ‘yung mga ini-input ko na mga kanta every time I do videoke. Ito ‘yung top hits ko,” pagbabahagi ng singer-composer.
“The next is ‘Your Videoke Favorites.’ Ito naman ‘yung para sa audience. ‘yung by request basically. We have a list of songs that the audience will choose from on the day of the show, May digital songbook, live poll siya na kahit si Ice hindi alam ‘yung top three na songs na kakantahin. ‘Yung next segment naman is called ‘Ice-cified.’ Ito talaga ‘yung you will listen to Ice’s rendition of videoke classic songs that you loved. The last part is ‘Jam with Ice.’ Ito ‘yung mga jammers, may mga artists din na pupunta na kinakausap namin,” pagdedetalye naman ni Liza. — Reports from JCC
- Latest