^

PSN Showbiz

Anak ni Jennylyn, binabantayan kung makikiramay sa kanyang Lola

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Jennylyn, binabantayan kung makikiramay sa kanyang Lola
Mommy Bing
STAR/File

Sa unang araw pa lang ng burol sa Arlington Memorial Chapels ni Mommy Bing, ang ina nina Patrick at Cheska Garcia, nagpuntahan na ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak para makiramay.

Dumating si Sharmaine Arnaiz, ang pamangkin ni Mommy Bing, ang producer ng Mavx Productions na si Erwin ‘Lucky’ Blanco, na siyang nag-produce ng A Journey, ang pagbabalik-pelikula ni Patrick.

Ang saya pa ni Mommy Bing sa special screening ng A Journey two weeks ago dahil ang ganda ng pelikula ng kanyang anak at hindi raw ito inaasahan ng buong pamilya.

“We were all in shock, this is an awful time for the family,” pakli ni Cheska nang nakausap ito ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer.

“She had a fatal heart attack and she went just like that. The family is overwhelmed by the sympathy given by our relatives and friends, thank you. Just please give us some personal time to grieve and process everything that has happened,” sabi naman ni Patrick Garcia.

Nagkausap sina Paolo Contis at Patrick sa telepono kasi paalis na ang Kapuso actor patungong Bicol para sa shooting ng pelikulang gagawin nila ni Elisse Joson.

Nagtanung-tanong naman ako sa kampo ni Jennylyn Mercado kung papupuntahin ba niya ang anak nila ni Patrick na si Jazz, bilang pagbibigay ng last respects lang sa namayapang lola.

Sabi ng ilang napagtanungan ko, nasa Boracay pala ngayon sila Jennylyn dahil doon nila i-celebrate ang kaarawan ni Dylan. Hindi lang alam kung makakabalik sila sa libing ni Mommy Bing sa darating na Sabado.

Hinihintay lang daw nila ang isang kapatid nina Patrick na si Pichon na naninirahan sa Amerika.

Nakikiramay po kami sa pamil­yang naiwan ni Maria Celeste Dahlia Velasco na mas kilalang si Mommy Bing.

FranSeth, hindi inaambisyong palitan ang KathNiel

Excited si Roselle Monteverde sa bagong movie project ng Regal Entertainment, ang My Future You na isinulat at ididirek ni Crisanto B. Aquino.

Ito bale ang first full length film na maglu­lunsad sa tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Nag-look test na sila nung Martes at pagkatapos nu’n ay humarap na sila sa entertainment media.

Maganda ang kuwento ng pelikula na tinitiyak ni direk Crisanto na ibang-iba ang atake niya rito kahit medyo familiar na sa karamihan ang kuwento.

Sabi ni Roselle, natutuwa siya sa proyektong ito dahil nung nabanggit daw niya ito sa bookers, gustung-gusto raw ng theater owners dahil alam nilang malakas ang FranSeth loveteam.

Malakas sila sa social media, at mainit pa rin silang pinag-uusapan, pero sa nakaraang storycon ay iniiwasang pag-usapan ang mga isyu nila lalo na’t may koneksyon kay Andrea Brillantes.

Pero kaagad na itinanggi ng dalawa ang sinasabi ng karamihang sila na raw ang susunod sa kasikatan ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sabi ni Seth, “Hindi namin mapapalitan ang KathNiel. Hindi po namin mapapalitan. Siguro po, gusto namin makilala as FranSeth. Gusto namin marating kung ano ‘yung marating nila. Pero hindi para palitan.

“So eto, talagang malaking challenge sa amin ‘tong pelikulang ito. Ito ang kauna-unahan naming movie. So, espesyal siya.”

Umayon din si Francine sa mga sinabi ni Seth.

“’Yun lang naman din ‘yung masasagot ko, kasi hindi naman po talaga namin kayang palitan ang KathNiel. Kasi-ibang iba po talaga kung papano sila naging successful.

“Ulitin ko lang din po. Kami po ni Seth, gusto namin makilala as ourselves as FranSeth, and ‘yun po. And pareho naman kaming praying and hoping na kung ano man ‘yung success na naranasan nila, sana marating din namin ‘yun. Pero sa sarili naming paraan,” tugon ni Francine.

Pero talagang ang laking pressure raw sa kanila ang ganitong statement dahil ang hirap daw abutin ang narating ng KathNiel.

“Nakakaba po ang ganung statement, dahil paano ‘pag ‘di namin nagawa?” bulalas ni Seth.

“Ang direksyon po talaga namin, ang gusto ko maging si Seth ako. Gusto ni Francine, maging si Francine siya. Gusto naming maging FranSeth.

“So, ‘pag tinitingnan ko siya na o mala-KathNiel ang dalawa, si Seth parang si Daniel, si Seth para siyang si Kathryn, alam n’yo po ‘yun… hindi ako magiging Daniel. Napakalabo po nu’n.

“Hindi po ako magiging Daniel. Ang FranSeth po hindi magiging KathNiel.

“Ayaw naming maging KathNiel. Ayaw po naming maging KathNiel. Gusto po namin maging FranSeth.

“Sa success po siguro, ‘yung narating nila, nakailang pelikula sila, gusto po namin maging ganun.

“At ‘yung statement po na inihahalintulad kami sa KathNiel, hindi po biro ang naabot ng KathNiel.

“Pagdating po sa trababo, hindi po biro ‘yan. Kung ano ang nabigay nila sa industriya, ang naibahagi nilang talento, hindi po biro ‘yun. So bago po kami makarating dun, hindi po biro ang pagdadaanan namin.

“Siyempre, ini-expect din ng tao na kung sino man ‘yung nagsabi nung statement na ‘yun sana makapunta.

“So, hindi po biro ‘yung journey na pagdadaanan namin. ‘Yun po ang ibig naming sabihin,” saad ni Seth Fedelin

CHAPEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with