Joshua-Julia comeback movie, lelebel sa KathnNiel, LizQuen, at JaDine?!
New movie alert ang partnership ng Star Cinema at Viva na pelikulang pagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Magandang sagutin ng fans, magiging major box-office hit ba ang muli nilang pagtatambal? Sana! Pero sigurado tayong maipapakita nila ang kanilang galing sa pag-arte dahil kahit noon pa man ay may ibubuga naman talaga sila sa pagganap.
Sayang lang at naudlot ang kanilang tambalan.
Because of this ba, makaka-level na sila sa records ng KathNiel, LizQuen at JaDine dati?
Sana, sana.
Makisimpatya kaya?
Makakarating kaya ang anak ni Patrick Garcia kay Jennylyn Mercado sa burol ng kanyang Lola Bing?
Death is a communal thing, magawa rin kayang makiramay ni Jennylyn sa isang tao na naging parte ng kanyang buhay?
Nasa Bora raw sina Jennylyn ngayon.
Ipanalangin na lang natin na all is well.
Nakikiramay tayo sa pamilya nina Patrick at Chesca Garcia sa pagyao ng kanilang mahal na ina.
Cedrick, nanawagan sa panglalapastangan?!
May naglalapastangan ba ng imahe ng Metro Manila Film Festival Best Actor na si Cedrick Juan?
May panawagan ang kanyang fans na sana ay bigyan siya ng paggalang. Ok naman ‘yan, pero ang mas tanong din ng fans, ano na ang next project ng idolo nila? Medyo nag-wane na ang high ng pagiging MMFF Best Actor, hindi na nga siya naging Manila International Film Festival Best Actor, saan nang major mainstream project siya muling makikita?
Babalik ba si Cedrick sa pag-i-indie o pagiging support ulit?
Ang tagal na kasi, puro hayop at lovelife na lang ang nababalitaan sa kanya at GomBurZa pa rin? Ano na’ng bago?
Kaye, naunahan si Shaira sa ‘Bataan’!
Bago pa man si Shaira Diaz, gaano katotoo na ang naunang virgin bride ay mismong si Kaye Abad?
Sa nakaraang interview niya sa Fast Talk Ni Boy Abunda na may naka-break syang relasyon dahil hindi niya isinuko ang Bataan?
So si Paul Jake ang nagwagi, at runner up lang talaga sina John Lloyd Cruz, Chito Miranda at Guji Lorenzana?
Wagi pa rin si Kaye Abad dahil pagkatapos niyang mapanood sa A Journey with Patrick Garcia at Paolo Contis, ang sabi lang ng mga tao, magaling talaga siyang umarte, ‘di ba?
Nakakata-quote:
“It’s important for the state to recognize the rights that couples like us exist. Hindi puwedeng dahil sa beliefs ay isasantabi niyo ‘yung karapatan ng pareho sa atin.” – Ice Seguerra
- Latest