^

PSN Showbiz

Charo, natupad ang pangarap kay Dingdong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Charo, natupad ang pangarap kay Dingdong
Charo Santos-Concio

Nagsimula na ang shooting para sa bagong pelikula nina Charo Santos-Concio at Dingdong Dantes. Ayon sa premyadong aktres ay talagang maganda ang istorya ng kanilang bagong proyekto. “It is a friendship story that evolves into a special relationship. Who knows where it will go? This was pitched to me even before the pandemic, 4 or 5 years ago. I already forgot about it because so much time has passed by. One day though, I got a call from from Direk Irene Villamor. She asked if I still want it. I said definitely,” nakangiting kwento ni Charo.

Masaya ang dating ABS-CBN executive dahil natupad na ang pangarap na makatrabaho si Dingdong. Matatandaang nabanggit ng aktor sa isang pahayag na pinapangarap ding makasama sa isang makabuluhang pelikula si Charo. “He said he wants to work with me. And I really want to work with him,” dagdag ng aktres.

Sa naging pahayag ni Dingdong kamakailan ay naibahagi ng aktor na maraming revisions ang nangyari upang mapaganda ang script ng pelikula. May working title itong Love After Love. “It was

really written with us in mind. Medyo na-stall lang nang konti ‘coz the script had to go through revisions. Ang mahalaga is makagawa tayo ng mga creative and compelling stories,” pagbabahagi ni Dingdong.

Wency, nanawagan sa OPM supporters

Naging panauhin ng ASAP Natin ‘To noong Linggo si Wency Cornejo. Malaki ang pasasalamat ng singer-composer dahil sa pagbibigay-pugay sa kanyang mga kantang pinasikat. “Thank you very much ASAP talaga. Imagine how long it’s been since we’ve been on this stage,” bungad ni Wency.

Para sa singer-composer ay ang mga tagahangang patuloy na tumatangkilik ang nagbibigay-buhay sa musikang Pilipino. “Ang message ko is not just for the people na tumatangkilik sa mga kanta ko. I think the message goes out sa people na tumatangkilik sa OPM and music in general. Ang gusto ko lang sabihin is please continue supporting ‘yung mga Filipino artists. Kasi kayo ang lifeblood ng musika, and without you, we are nothing. So please, please, please continue,” paliwanag niya.

Pinasalamatan din ni Wency ang ilang kapwa-composer dahil sa paglikha ng mga awiting tumatak sa isipan ng ating mga kababayan. “Kasi hindi naman lahat ng mga kanta were written by me. There are three people na kailangang pasalamatan. Ronnie and Gigi Cordero who wrote Hanggang and Only You which is written by Arnold Cabalza. Thank you very much for writing such beautiful songs,” pagtatapos ng singer-composer. — Reports from JCC

ACTRESS

CHARO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with