Julie Anne ‘di sinipot ang concert ni Regine
Bongga pa rin talaga ang Songbird Regine Velasquez sa kanyang Regine Rocks The Repeat sa MOA Arena. Talagang binatak niya ang boses niya to its limits at gustong gusto yun ng fans niya! Sayang at hindi nakarating si Julie Anne San Jose as one of the guests.
Ano kaya ang naging health issue niya?
(Mukhang gumaling naman na siya agad dahil nasa AOS na siya kahapon.)
Sayang kasi mas lumawak pa sana ang audience ni Julie kung nakita siya ng jampacked MOA-Arena audience ni Regine; buti na lang nandu’n sina Darren Espanto at Juan Karlos (JK) Labajo to keep the rock feels.
Teka, ok na ba sina Darren at JK after the supposed court cases between them?
Nagkita kaya sila nu’ng concert kahit sa backstage? May closure na ba ang demandahan nagsimula sa pagtawag na beki?
Sino kaya ang kinatigan ng korte?
That’s Entertainment buhay na buhay sa AOS
In what is supposedly their Anniversary LIVE Presentation, All Star Sundays proves once and for all , na ito ang 2024 version ng That’s Entertainment. Nandun pa rin talaga ang mga Versus at Showdown. Parang nag aaudition sila sa kanilang mga peers na nakaupo rin sa mga risers na hagip ng camera. Kulang na lang ang tumitimon : Sino kaya ang puwedeng mag mala-Kuya Germs? Si Ken ba o si Rita? O si Christian ba o si Mark? Pero bakit parang nakokornihan sila sa ginagawa nila lalo na sa last part ng show?
Nagsasayang ng oras?
Ano kaya talaga ang point ng game sa AOS (Biyaheng AyOS Barkada) Pipili at lilinya- Nampipikon VS Nampipikon; Umasa VS Nagpaasa; Seloso VS Pinagseselosan - tapos mag eexplain kung sino lang ang may gusto - at walang resolution ang segment ha, anything goes?
Sayang ang guesting ng mga supposedly all glammed up na Sparkle artists at mga guests mula sa iba’t iba show ng Variety Show unit ng network - para lang sa ganu’ng walang wawang game na parang hilaw na Face To Face. Hanggang sa sabihing WALA NANG TIME. Ano ba yun? Di ba parang nagsayang lang sila ng oras?
Phillip maraming sasagutin ‘pag tinuloy ang pagse-senador
Dahil lumabas na ang pangalan na kakandidato sa darating na midterm elections, hindi nakaligtas si Phillip Salvador sa puna sa special media. Tatakbo raw si Kuya Ipe sa pagka-senador para makatulong sa mga Pilipino ngunit sabi ng netizen na si @obi_prodigalson, tulungan daw muna niya ang anak na si Josh at pati ang issue na may kinalaman kay Cristina Decena ang sabi ay naungkat pa sa social media. Handa na kaya si Kuya Ipe sa ganitong mga banat? Well sabi nga, it comes with the territory.
Nakakata-quote:
“Gusto ko nang mag start ng family soon.” - Derrick Monasterio
- Latest