^

PSN Showbiz

Tito at Joey umalma sa malalang fake news, record ng BIR ilalantad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tito at Joey umalma sa malalang fake news, record ng BIR ilalantad!
Eat Bulaga

Ang lala ng fake news lately na ginagawang legit ng ibang news website.

Hindi man lang mag-verify.

Ang latest na super duper fake news ay ang sinasabing magsasara na ang Eat Bulaga dahil nalulugi na ito.

Kaya naman sinagot na ito nina Tito Sotto at Joey de Leon. “Aba, may mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo! Magsasara na raw tayo!” umpisa nina Tito Sotto and Joey de Leon sa News5Everywhere.

“Ano? Magsasara after 45 years?” hirit naman ni Allan K.

“Sabi ng mga sinungaling!” susog ni former senator Sotto.

 “Inggit lang mga ‘yan kasi hindi sila kasama sa top five longest-running TV shows in the world!” hirit ulit ni Joey.

“Para mapatunayan na tayo’y hindi nagsisinungaling at sila’y mga sinungaling, bukas, bibigyan natin ng kopya ang media ng ating file sa BIR (Bureau of Internal Revenue) ng income tax!” dagdag pa ni tito Sen.

“Eto hamon ko: Umabot lang kayo ng 15 years, baka lumuhod ako sa harap n’yo - 15 because he might not be around anymore should it be more than that.

“Kaya sa mga Dabarkads at sa ilang mga hindi Dabarkads, ano, ‘yung mga nagsasalita nang ganu’n, mga sinungaling ‘yun, ‘wag na kayo maniniwala sa ganu’n!” pagdidiin pa nila Tito Sen.

Forty-five years na ang Eat Bulaga sa ere at nakasama ito sa top five longest-running TV shows in the world kamakailan.

Sa listahang ibinahagi ni Joey sa isang post, isang soap opera mula sa United States ang nasa top 1 na may 56 na taon, na sinundan ng isang game show sa France na 52 taon, isa pang soap opera sa US na may 51 taon, pagkatapos ay ang Eat Bulaga na.

“The Top 5 LONGEST RUNNING TV Shows in the world!” sabi ng isa sa mga henyo ng local showbiz.

Kinumpleto ng entertainment show na Access Hollywood na may 26 na taon ang Top 5.

Ayon nga sa insider ng TV5, unbothered ang TVJ sa nagaganap na pakikipagsalpukan sa It’s Showtime na ngayon ay nasa GMA.

Anticipated naman diumano nila ang mga nagaganap kaya hindi na nag-e-effort ang Eat Bulaga na makipagtapatan dahil ang katuwiran daw nila ay may captured audience sila.

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with