^

PSN Showbiz

Glaiza, naospital sa sobrang diet!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Glaiza, naospital sa sobrang diet!
Glaiza de Castro.
STAR/ File

Naospital pala ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro dahil sa pagda-diet.

Ibinahagi niya na na-pressure siya sa pagda-diet dahil sa pagganap sa isang role. Nangyari raw ito noong pinaghahandaan niya ang Encantadia 2016 kung saan nagsuot siya ng warrior costume.

Dahil sa pressure sa pagganap bilang Pirena ay saba at itlog lang ang kinain niya at doon nga siya naospital.

Hindi raw naging balanse ang diet niya dahil sumobra ang kanyang workout at hindi pa masyadong kumain ng carbs. Nakuntento na raw siya noon sa saging na saba, quinoa at itlog at madalas na pagwo-workout na hindi pala maganda ang naging epekto sa kanyang katawan.

Isa si Glaiza sa mga aktres na sobrang dedicated sa kanyang trabaho at ngayong nagbabalik siya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre bilang Pirena ay siguradong natuto na siya.

Makikita sa kanyang mga post na pinaghahandaan niya ulit ang kanyang role at todo workout na siya para roon.

Bukod sa showbiz ay abala rin sila ng mister na si David Rainey sa kanilang negosyo. Bongga.

At kung diet si Glaiza, aminado akong isa akong PG (patay-gutom).

Talagang ang dami ko nang suki kaya tuloy madalas nagagalit si Mel (kasama ko sa bahay) ‘pag gusto ko pa na mag-order ng mga nakikita ko sa cellphone na mga binebenta online.

Ewan ko ba kung bakit ito ngayon ang naging hobby ko, ‘yung cravings na kung minsan para bang gustung-gusto mong kumain nang bigla. Pero ‘pag nasa harap mo na, bigla ka naman mawawalan ng gana.

Talagang iba araw-araw timpla ng katawan ko, kaya nga kumporme sa takbo nito ang craving ko sa pagkain.

Na-appreciate ko na marami pala ang nagbabasa sa akin dito dahil ang dami nang nagpadala ng message na sana gumaling na ako. Hah hah, siguro akala nila sobra na ang hirap ko dahil sa mga isinusulat ko na weakness ko kung minsan.

I have to remind them na 77 years old na ako sa darating kong birthday sa May. Kaya siguro normal lang itong mga konti at bearable naman na discomfort  na nadarama ko. Saka sobra lang talaga ang katamaran ko ko na halos buong araw nakaupo at higa na lang dahil nga mabigat ang katawan ko.

Salamat nga sa IG dahil meron akong emotional outlet. Salamat din kina Salve, Gorgy Rula at Pat-P Daza dahil kung minsan may mga rampa akong lunch kaya medyo nagagamot ang boredom ko.

Kundi pa talagang reklamo na ang TV ko dahil buong araw siyang bukas dahil nanonood lang ako dahil sa katamaran ko.

Buti na lang maganda naman ang mga trabaho ng mga alaga ko, kaya meron pa rin akong mental challenge.

Naku talagang ang dami kong problema na actually nice and good problem dahil nga kagagahan lang naman. Imagine mo na gawin mong problema ang mga dapat mong gawin araw-araw, o ‘di ba naman kalokohan lang para sa iba.

Hahahaha. Bongga.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with