^

PSN Showbiz

Heaven, pinaliligaya ni Marco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Heaven, pinaliligaya ni Marco
Heaven Peralejo

Namamayagpag ngayon sa paggawa ng mga pelikula si Heaven Peralejo. Simula April 10 ay mapapanood na sa mga sinehan ang Sunny kung saan ay isa sa mga bida ang aktres.  “Sunny is a barkada film and it’s also a Korean adaptation. I will be playing the role of Annie, a newbie who becomes friends with the Sunny friends portrayed by Bea Binene and others. I am thrilled to be part of this film and to work alongside Vina Morales. Napakaganda ng movie. Pwede siyang pang-reunion like isama mo ‘yung buong barkada mo na hindi mo pa nakikita ulit for such a long time. Kasi maalala n’yo ang dami n’yo palang pinagdaanan,” pagbabahagi ni Heaven.

Nakatakda namang ipalabas simula May 1 ang Men are from QC, Women are from Alabang na muling pagtatambalan nina Heaven at Marco Gallo.

Mas napalapit na raw ngayon ang aktres kay Marco dahil ilang proyekto na ang pinagsamahan. Ayon kay Heaven ay masaya siya tuwing nakakasama ang binata. “Kami ni Marco, until now we are still getting to know each other. And I’m liking the way it is. Basta masaya ako whenever I’m with him,” pagtatapat ng aktres.

Bukod sa dalawang naunang pelikula ay inasaahan ding maipalalabas bago magtapos ang taon ang Out of Order. Nakatrabaho naman ni Heaven sa naturang proyekto si Alden Richards bilang aktor at direktor.

Wilma, yumaman sa suka

Patok na patok ang mga negosyo ni Wilma Doesnt ngayon. Bukod sa homemade vinegar business ay mayroon na ring dalawang restaurant ang aktres.  Mayroong sangay sa General Trias, Cavite at Tagaytay ang ‘Chicks ni Otit’ na tinatawag na 5-star karinderya ang pag-aari ni Wilma.

Ayon sa komedyana ay nagsimula lamang siya sa pagbebenta ng tinimplang suka ilang taon na ang nakalilipas. “Ang laki ng kinita ko do’n, do’n ako yumaman. ‘Yung suka na ‘yon formula ng nanay ko sa bahay namin, personal. ‘Yon ang ginagamit namin sa restaurant until ‘yung mga tao, ‘Pwede po bang makahingi ng extra suka, iuuwi sa bahay?’ So ilalagay mo sa plastic ng yelo. Until sabi ko, ‘Teka, ibote na natin ‘to.’ Naghanap talaga ako ng sexy na bottle kasi suka ‘yung ibebenta ko para may attitude siya. Surprisingly do’n nag-start ang savings. Sa suka kami nag-umpisa, yumaman ako sa suka,” nakangiting kwento ni Wilma sa YouTube channel ni Karen Davila.

Maging ang apat anak ng aktres ay tumutulong din sa kanilang negosyo. Natutunan daw ng pamilya ni Wilma ang pagnenegosyo noong kasagsagan ng pandemya. “’Yon talaga ang naging turning point ng lahat na wala kang aasahan. Even showbiz, kahit gaano ka kasikat, lahat tayo stop. So ‘yung fear mo, ‘Paano ‘yung mga anak ko?’ Magugutom ‘yung mga anak ko. Buti na lang pre-pandemic, nakaisip na kami na magtayo ng maliit na tapsihan. Here comes pandemic, wala kaming ginagawa. Pati mga anak ko nasa bahay lang, ‘Tulungan na natin ‘yung tito n’yo.’ Kaya nagtanggal ng empleyado, kami ang pumalit, pamilya, ‘Yung apat na anak ko, siya, ako. ‘Yung isang anak ko tagahugas, si Asiana siya ang bahala sa online, ‘yung panganay ko siya ang nagde-deliver, nagmo-motor siya. Ako naman, asikaso nang asikaso sa restaurant. Kanya-kanya kaming duty. ‘Yung isa namang anak ko, siya ang tagalagay ng sticker sa suka. Benta kami ng suka, benta kami ng chicharron,” pagdedetalye ng komedyana.

Nang umasenso dahil sa pagkakaroon ng sariling negosyo ay tinutulungan na rin ni Wilma ang mga empleyado na magkaroon ng extra income. “Shine-share ko rin, dahil sa tulong ng mga staff ko, tinutulungan ko rin sila, may benefits ako, above minimum, kasi mas pagod sila dito. At may raket sila sa loob ng restaurant ko. ‘Pag nakabenta ka ng suka, I will give you P10. ‘Pag nakabenta ka ng tuna panga, I will give you P50. May incentive sila para looking forward sila to work. Tapos natututo sila na mag-push ng product ko,” paglalahad ng aktres. — Reports from JCC

ACTRESS

HEAVEN PERALEJO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with