^

PSN Showbiz

Greta, pinakitang ‘di tumatanda!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Greta, pinakitang �di tumatanda!
Gretchen Barretto

Ang bongga naman ng mga binaha­ging litrato ng daughter nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco tungkol sa kanyang pregnancy cravings at mga highlight ng kanyang March, kasama na roon ang birthday ng kanyang mommy.

Makikita ang malaking ngiti ni La Greta kasama ang kanyang birthday cake na nagselebreyt noong March 6.

Hindi nga raw talaga ito tumatanda ayon sa netizens at dahil bihira na nga itong magpakita ay happy ang mga tagahanga niya na makita siya sa post ni Dominique.

Mukhang masayang-masaya na ang partner ni Tonyboy lalo na ngayong magkakaapo na siya sa kanyang daughter.

At siguradong sabik na sabik na ito sa paglabas ng baby nina Dominique at Michael Hern at sigurado ring magiging spoiled ito sa kanyang lola.

Makikita rin ang mga behind-the-scene photo ng misis ni Michael para sa kanyang maternity shoot na puno ng mga halaman at mga bulaklak. Kasama rin sa mga litrato ang mga pagkaing pinaglilihian niya na mga croissant at fries.

“Pregnancy cravings and little moments from March,” caption ng pamangkin ni Claudine.

Noong nakaraang buwan ng March din pala ang wedding anniversary ng mag-asawa kaya makikitang ipinost ni Dominique ang video ng kanyang wedding day kung saan siya naglakad sa aisle at makikitang emosyonal ang mommy niya.

Samantala, blooming din siyang buntis na namana ang ganda ni Gretchen. Marami ang siguradong nakaabang kung girl or boy ang pinagbubuntis nito at kung kanino ito magmamana at sino ang magiging kamukha. Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with