^

PSN Showbiz

Yasmien, pinaka-aligagang buntis!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, pinaka-aligagang buntis!
Yasmien Kurdi

Feeling ni Yasmien Kurdi, siya na ang pinaka-busy na buntis sa ngayon.

Walong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis, pero ang dami niyang inaasikaso kaya hindi nakaramdam ng pagkabagot habang lumalaki ang tiyan.

Ang saya ng Kapuso actress nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules Santo dahil nag-graduate na siya sa Asian Pastry and Bakery School sa Taguig ng kursong Ba­king and Pastry Arts.

“Sabi ko, para naman maging productive itong pregnancy ko, at the same time para hindi ako magkaroon ng anxiety o kahit anong lungkot.

“Kasi, galing ako sa laging nagti-taping nung ginagawa ko ang The Missing Husband. Sobrang busy ko the whole time. ‘Yung ilang taon akong sobrang busy tapos biglang matetengga ako sa house. Sabi ko parang biglaan to, baka malungkot ako bigla at umiyak nang umiyak.

“In fairness naman, sobrang saya ko, nag-enjoy ako!” saad ni Yasmien.

Kaya nung huling checkup niya, sobrang tuwa siya dahil nakikita naman daw na okay ang baby niya pero hindi pa rin niya inalam ang gender nito.

“Pero pagdating nitong April, aalamin ko na siya kasi mamimili na ako ng konting clothes,” pakli ng Kapuso actress.

“Hindi rin ako mag-shower party. Hindi na rin ako mag gender reveal party.

“Hindi na ako nagganun kasi ang nangyari parang ayoko ma-stress sa preparation. E ang dami ko nang inaasikaso. Like for example si Mama, nag-dialysis 3 times a week.

“Ang hirap kasi ng… kasi winu-work out namin ‘yung ano niya, ‘yung kidney transplant sana. E, bago ka ma-kidney transplant, ang dami pa palang mga process, like for example, kailangan mo ng clea­rance sa ganito.

“So lahat ‘yun ngayon habang buntis ako, inaasikaso ko for Mama. So, na-busy talaga ako dun, and at the same time si Ayesha, gradua­ting ng elementary, ang dami ring requirements.

“Tapos ‘yung bahay namin di ba pina renovate ko na rin? Diyos ko! Mag-one year na hindi pa rin tapos ‘yung house namin. Katatapos lang ng cabinet ko kahapon, nakakaloka!

“Sabi ko, grabe naman ‘to, mag-one year in the making na ‘to,” natatawang pahayag ni Yasmien.

Pero naisip na raw silang ipapangalan sa baby kung baby boy o baby girl ito.

Dapat daw ay approved din ng panganay nilang anak na si Ayesha na sobrang excited nang maging ate.

Itinanggi si Marc Pingris…Kim Rodriguez, living in style pa rin!

Sa gitna ng paggunita natin ng Semana Santa, ang busy ng netizens sa pagkalkal ng mga post ng celebrities. Hanggang sa binigyan nila ng malisya ang post nina Marc Pingris at ng dating Kapuso actress na si Kim Rodriguez na kuha sa magkaparehong lugar sa Australia.

Hanggang sa naging memes tuloy ng iba na baka ma-link din daw sila kay Kim o kaya kay Marc dahil may kuha rin sila sa tapat ng Opera House sa Australia.

Kapag nakapunta ka naman kasi sa Sydney, Australia dapat na may kuha ka naman talaga sa labas ng Opera House.

Pero meron din sa isang gas station na parehong kuha ng isang Pinay na staff doon. Mabuti nga at nakilala niya si Kim Rodriguez at nagpa-picture.

Kaya huwag na raw bigyan ng malisya.

Sinagot na nga ito ng manager ni Kim na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na walang katotohanan ang intriga sa kanyang alaga at sa sikat na basketball player.

Pinabulaanan na rin ito mismo ni Marc Pingris at ilang taong malapit sa kanila.

Nakikita naman namin kung gaano kamahal ni Marc si Danica Sotto at kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang pamilya.

Hindi puwedeng magloko si Marc dahil Sotto ang misis niya at takot lang niya sa mother-in-law niya.

Dahil sa intrigang ‘yan, nanariwa na naman sa amin ang pagkaka-link ni Kim sa isang kilalang influential personality.

Hindi sinagot ng aktres ang intrigang ‘yun, dahli pansamantalang nawala siya sa showbiz, pero bongga pa rin ang buhay at talagang living in style.

ACTRESS

YASMIEN KURDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with