^

PSN Showbiz

Tirso, wala pa ring kapalit sa FDCP

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Tirso, wala pa ring kapalit sa FDCP
Tirso Cruz III

The last of the Eat Bulaga Lenten Specials na ngayon ang ipalalabas with Bossing Vic Sotto Para Di Makalimot kasama sina Ryan Agoncillo, Miles Ocampo, Atasha Muhlach with Tirso Cruz III as guest!

Grabe ang raket ni Lolo Pip (Tirso Cruz III) ‘di ba?

After his Film Development Council of the Philippines post, natapos din siya sa kanyang GMA teleserye assignment, ngayo’y lumalagare siya sa Pamilya Sagrado at Bagman 2.

Tapos may mga serye pang nakalinya sa kanya at pelikula. At hindi ba may concert tour pa with Papa Boyet de Leon abroad? Intinding-intindi natin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw as FDCP head.

Sino na nga kaya ang maa-appoint na kapalit niya sa opisinang ito? Abangan!

Kim, nasapawan ng queer!

Excited ang mga kababayan nating mapanood ang bagong Miss Saigon na si Filipino-Australian – Abigail Adriano.

Lost daw si Louisa Villine (Kim alternate) na medyo matamlay ang reaction ng tao at sabi nga ni Allan Diones, na-eclipse talaga siya nang bonggang-bongga ng agaw-eksenang si EnginQueer!

Bakit kaya pati review ni Allan sa PEP ay na-take down – kaya missing Saigon na ang nakakatawang reference niya sa nangyari?

So, kailangan talagang mag-step up at level up si Louisa sa next performances niya ha, NKKLK!!!

Paglutang ng pangalan ni Regine sa national artist, inalmahan

Maraming tanong ang kasamang si Jobert Sucaldito tungkol sa National Artist.

Sabi niya, “Muntik na akong mahulog sa upuan nang may mabasa akong item na isinusulong diumanong maging National Artist si Mrs. Regine Velasquez-Alcasid. Whaaaat? Nag-iisip ba mga ‘to? I’m sure even si Regine mismo ay alam na far cry ito sa katotohanan. ‘Di naman niya kasalanan ang gustong ma-nominate siya para maging National Artist dahil for sure ay alam niyang super-labong mangyari ito sa ngayon.

“It’s not all about being popular pero anong noteworthy contributions nito sa music industry?

“Akala kasi siguro ng fans niya porke mataas (no offense meant pero masakit sa tenga ang ibang birit niya) ang boses niya pang-National Artist agad?

“Bago siya, mauna muna sina Pilita Corrales, Dulce, Lea Salonga, etc. bago siya, ‘no!  Mag-isip-isip nga kayo. Sa body of work niya, anong maipagmamalaki natin of her?”

Magandang sagutin ito nang maayos at mahinahon, what makes a National Artist o ang isang Pambansang Alagad Ng Sining?

Gerald, ‘di nadagdagan ang local fans?!

Speaking of Miss Saigon Manila, tanong ng mga kababayan natin, bakit ang Pinoy talent na paborito ng Aliw Awards na si Gerald Santos na hindi naman busy dito ngayon ay hindi man lang na-consider na mag-play ng Thuy dito ngayon?

Ang mga tanong ay ito: may madadagdag kayang local fans si Gerald o nakapasa ba siya sa panlasa ng mga produ, aber – or lost din siya?

Nakakata-quote:

JK, napasugod sa nanay ng baby na dinala sa kanyang concert

Tumigil talaga si JK Labajo sa kanta niya sa isang concert nang makita ang isang magulang na dala-dala ang kanyang two-month-old baby.

Kinausap niya ang magulang at hinagkan ang bata at ang sabi, “Two months? Ba’t mo pinaparinig ang ‘ERE’ dyan sa bata. Two months pa lang, maaga, huwag. Wala bang earmuffs si baby? Umiiyak na si baby, okay lang ba ‘yan?”

The moral of the story na kay JK na rin nangga­ling ay, “Babies under one year old are sensitive to loud noises.”

Kaya reponsibilidad ng mga magulang ang pangalagaan ito at huwag nang isama sa ganitong mga pagtitipon.

Pagtatapos ni JK, ““Yung mga bata, especially one year below super sensitive pa ‘yung mga tenga nila… Maraming salamat sa suporta, but please alagaan niyo si baby.”

vuukle comment

ACTOR

TIRSO CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with