^

PSN Showbiz

Mga Pinoy content creator, nag-level up ang summer dahil sa Halo-halo

Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy content creator, nag-level up ang summer dahil sa Halo-halo
Pinatawa ni Cong TV ang mga tao nang sabihin niyang pinakamagandang paraan ng pagbabayad sa kanyang mga kaibigan ang Halo-halo habang si Kyline naman ay ni-level up ang kanyang online gaming kasama ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng quick Halo-halo break.

Humamig ng humigit-kumulang 20 million views and 700,000 engagements ang Mang Inasal Extra Creamy Halo-Halo in less than a month kung saan tampok ang Filipino content creators na sina Cong TV, Kyline Alcantara, Kween Yasmin, Adrian Dagdag at Mommy Diaries PH.

Nagpahayag din ang mga tagahanga at netizens ng kanilang tuwa at kasabikan sa Mang Inasal Extra Creamy Halo-Halo nang ibahagi ng influencers kung paano nila nile-level up ang kanilang summer with a twist.

Pinatawa ni Cong TV ang mga tao nang sabihin niyang pinakamagandang paraan ng pagbabayad sa kanyang mga kaibigan ang Halo-halo habang si Kyline naman ay ni-level up ang kanyang online gaming kasama ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng quick Halo-halo break.

Ang TikTokerists na sina Kween at Adrian naman ay pinakita kung paano napapasaya ng kanilang paboritong summer dessert ang kanilang malungkot na puso.

Samantala, ang Mommy Diaries PH na si Ciara Magallanes ay binahagi kung paano siya napapakalma ng Mang Inasal Extra Creamy Halo-Halo sa gitna ng mga negatibong bagay.

“Bigla akong nag-crave ng Halo-Halo while watching this video,” bahagi ng isang commenter. “Masarap talaga ang Mang Inasal Halo-Halo! Mapaparami ako n’yan this summer!” pahayag naman ng isa pang netizen.

Nag-trending ang hashtag na #MangInasalLevelUpSARAP kamakailan sa X (dating Twitter) dahil sa mga intense na usapan tungkol sa Extra Creamy Halo-Halo. Binahagi ng mga customer ang kanilang mga tweet at litrato ng kanilang Mang Inasal moments sa tindahan at pati na rin sa kanilang mga tahanan.

“We want all our customers to enjoy the summer season with a level up treat they deserve,” ani ng Mang Inasal President Mike V. Castro.

MANG INASAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with