GMA, humakot ng nominasyon sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards!
Mula sa drama hanggang sa mga dokumentaryo, pito sa siyam na napiling Philippine entries na mula sa GMA ang magiging bahagi ng 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards – na tanging local broadcast company na nakapasok sa taong ito.
Nakakuha ng kanilang kauna-unahang international award nomination ang action-packed Filipino drama series na Black Rider na prinodyus ng GMA Public Affairs, na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, matapos itong ma-shortlist sa Entertainment Program: Drama category.
Kumakatawan naman ang Sundo: A GMA Integrated News Documentary ng GMA Integrated News sa News Program: News Documentary/Special category. Tinampok ng mga veteran journalist na sina Raffy Tima at JP Soriano ang digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel kung saan ito ang unang Philippine news organization na naghatid ng live at exclusive reports mula sa Middle East sa Israel-Hamas conflict ng mga panahong iyon.
Samantala, ang flagship documentary program ng GMA Public Affairs na I-Witness na nagdiriwang ng kanilang ika-25th anibersaryo ay naka-shortlist sa tatlong iba’t ibang kategorya – ang Boat to School ni Howie Severino, Sisid sa Putik (Rise from the Mud) ni Mav Gonzales at Bawat Barya (The Price of Dreams) ni Atom Araullo.
Ang bi-monthly public affairs program namang The Atom Araullo Specials ay nakatanggap ng back-to-back shortlisted entries sa mga episode na Child’s Game (Batas Bata) at One Deep Breath (Hingang Malalim) na kalahok sa Documentary: Social Justice at Documentary: Human Concerns categories.
Taun-taong isinasagawa ng New York Festivals TV & Film Awards ang pagkilala sa lahat ng content mula sa humigit-kumulang 50 bansa.
- Latest