Sylvia, walang sagot tungkol kina Ria at Zanjoe
Mabuti at naimbitahan ako sa intimate tsikahan sa kilalang actress/director na si Isabel Sandoval na ginawa sa tanggapan ni Cong. Arjo Atayde.
Wala si Cong. Arjo pagdating namin, pero nandun ang ina niyang si Sylvia Sanchez.
Safe lang ang sagot sa amin ni Sylvia nang tanungin tungkol sa anak niyang si Ria Atayde at ang kasintahang si Zanjoe Marudo.
Nandun si Sylvia para personal na maasikaso ang pagharap ni Isabel Sandoval sa ilang miyembro ng entertainment press.
Doon na rin nila ibinahagi na gagawa ng pelikula si Isabel sa Nathan Studios nina Sylvia at ng mga anak niya. Isang noir crime thriller ang gagawin nito na pinamagatang Moonglow na pagsasamahan nila ni Cong. Arjo. “I wrote it, I’m directing it, and acting as well. And I’m cutting the film as well,” pakli ni Isabel.
Tipong ganito rin ang mga material na nagawa ng aktor / pulitiko, kagaya ng seryeng Bag Man, Cattleya Killer at pelikulang Topakk. Pero ang kaibahan lang dito ay si Isabel Sandoval ang kasama niya na nakilala sa Hollywood sa mga nagawa niyang Lingua Franca, at ang latest ay naidirek niya ang isang episode ng Under The Banner of Heaven na pinagbidahan ni Andrew Garfield.
Nasa ‘70s ang setting ng pelikula na kukunan sa Binondo, kaya matindi ang production design nito. “Here in the Philippines, the tone is always bleak, dark and gritty. And I want that my film acknowledges that we are set in that milieu, in that setting. But gives a little more hope and optimism and romanticism,” pakli ni Isabel.
Sisimulan daw nila ang shooting sa April 9, at baka matapos daw nila ng first o second week of May.
Kiray at Kirst, walang ilangan
Patapos na ang Love, Die, Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim. Ang susunod na aabangan natin ay ang pagbabalik drama series ni Marian Rivera na My Guardian Alien kasama si Gabby Concepcion.
Bukod kay Gabby, kasama rin sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Marissa Delgado, at marami pa.
Pero ang naaliw kami nang rumampa ang buong cast ay kasali pala sina Kiray Celis at Kirst Viray na na-link sila noon.
Pero happy na ngayon si Kiray sa kasalukuyang non-showbiz boyfriend, kaya malabo na silang intrigahin.
Pero sabi ni Kiray, okay daw sila ni Kirst sa set ng My Guardian Alien. Marami-rami na raw mga eksena na magkasama sila, at nandiyan si Kiray na nagga-guide kay Kirst. “
“Siya rin nagtuturo sa akin paano ang tamang pag-arte, kaya malaking tulong sa akin ‘yun. Kaya na-excite ako nung nakaka-work ko na siya sa My Guardian Alien,” sabi pa ni Kirst.
Sabi naman ni Kiray, “Halos magkakaeksena kami ni Kirst.
“Wala naman pong awkwardness, kasi work po ‘yun. Saka super close sila ng boyfriend ko in real life. In fact halos every week magkalaro sila sa basketball,” natatawang tugon ni Kiray na umaawrang napakaganda ha!
Sa April 1 na magsisimula ang My Guardian Alien na dinirek ni Zig Dulay.
Mapapanood ito sa GMA Telebabad pagkatapos ng Black Rider.
- Latest