^

PSN Showbiz

Alagang pusa ng pamilya Bolzico, nakabalik pagkatapos ng isang buwan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alagang pusa ng pamilya Bolzico, nakabalik pagkatapos ng isang buwan
Nico , Tili at El Gato
STAR/File

Ang cute naman ng latest Instagram Reel ng mister ng aktres na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico kung saan nakabalik na ang alaga nilang pusa na si El Gato.

Sa simula ng video ay makikita ang daughter nilang si Tili na nagtatanong ng “What’s the surprise?” At doon na pumasok si Nico na bitbit ang pusa nilang si El Gato. Agad namang napangiti ang panganay nila nang makita ang kanyang pet.

Maaalalang nag-post ang mister ni Solenn na nawawala ang alaga nila. Hindi na raw sila masyadong umaasa na makikita pa ito pero mami-miss daw nila ang pagiging malapit nito kay Tili. Umaasa nga sila noon na sana raw ay mabait ang makapulot sa pusa nila at maiparamdam sa bagong pamilya nito ang pinaramdam na saya sa kanila.

Marami ang nalungkot noon nang ibahagi nila ang tungkol sa pagkawala nito. Nagpaalam na sila rito pero marami ang hindi nawalan ng pag-asa na makikita at babalik pa ito sa kanila at binigyan pa sila ng netizens ng payo kung paano nila ito mahahanap.

Pero ngayon, pagkatapos ng 29 days ay nakabalik na si El Gato sa pamilya Bolzico.

“After 29 days and endless explanations to Tili where #ElGato is, he decides to come back!” caption ni Nico sa kanyang Reel nang sorpresahin si Tili.

“We are really happy but I have so many questions for him!” dagdag pa nito na siguradong nagtaka kung saan nagpunta ang alaga.

Pinayuhan pa nga sila na lagyan nila ito ng tracking collar para sa susunod na mawala na naman ito ay mahanap agad nila.

Natuwa naman ang mga kaibigan nila at tagahanga sa pagbabalik ni El Gato na biro nila baka raw nakipagtanan lang naman.

Mahilig sa hayop ang pamilya nila dahil bukod kay El Gato ay may alaga rin silang aso at mga turtle. Bongga.

vuukle comment

NICO BOLZICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with