SPEED, nanumpa kay Mayor Joy
MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kahapon, Marso 21.
Ito’y pinangunahan ng bagong Pangulo ng grupo na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
Nagsilbing inducting officer sa oath-taking ceremony ng SPEEd si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ginanap sa kanyang opisina sa Quezon City Hall.
Nakasama ni Salve Asis bilang bagong Presidente ang iba pang opisyal ng SPEEd kabilang na si Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal), External Vice President. Hindi naman nakarating si Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Internal Vice President.
Sumumpa rin sa kanilang tungkulin sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw), Secretary; Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune), Treasurer at Assistant Treasurer; Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard), PRO; at Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Naroon din ang isa sa mga consulta ng organisasyon ng mga editor, ang former SPEEd president na si Eugene Asis (People’s Journal). Tumatayo ring consultant ng grupo si Ian Farinas (People’s Tonight) na dati ring presidente.
Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos (Tempo), Robert Requintina (Manila Bulletin), Nathalie Tomada (Philippine STAR), Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer) at Janiz Navida (Bulgar).
Pinakabagong miyembro ng SPEED si Jun Lalin ng Abante.
Adviser din ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin at Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita).
- Latest