^

PSN Showbiz

Aktres na buntis at aktor, ikakasal na ngayong linggo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May nakarating sa aming kuwento na ikakasal ngayong linggo ang kilalang showbiz couple na napapabalitang nasa interesting stage na si aktres.

Wala pa rin tayong naririnig mula sa kanila kaugnay sa tunay na kalagayan ng aktres, pero nakikita namang masaya sila sa mga naipo-post sa kanilang social media account ng karelasyong aktor.

Nagtanung-tanong naman ako sa ilang kaibigang malapit sa kanila, wala raw silang ideya.

Kaya abangan na lang natin kung ibabahagi ba nila ito sa publiko.

Nasa kanila naman ‘yun kung itatago muna nila dahil sa kalagayan daw ngayon ni aktres.

Tiyak namang aaminin nila at ibabahagi naman nila ito sa publiko pagdating ng tamang panahon.

Pero kung totoo man ito, sobrang saya kami sa showbiz couple na ito dahil dapat naman talagang sa kasalan ang kahahantungan ng maganda nilang relasyon.

At ang pinakamasaya tiyak ay si Mommy na isa ring magaling na aktres!

Sen. Bong at Carlo, may reunion pagkatapos ng 25 taon

Nakakatuwa ang na-accomplish ni Sen. Bong Revilla Jr. bago mag-break ang session ng Senado sa darating na Holy Week.

Sunud-sunod ang mga ipinanukala niyang batas na naipasa na sa Senado.

Hinihintay na lang na pirmahan ni Presidente Bongbong Marcos ‘yung Kabalikat sa Pagtuturo Act na kung saan si Sen. Bong din ang principal author.

Napirmahan na ang Revilla Law, ito ‘yung pinalawak na Centenarian Law at itong latest ay ang Rep. Act 11984 na No Permit, No Exam Prohibition Act.

Hinihintay na lang na i-release ito sa Official Gazette ng Senado para maisabatas na at sa susunod na taon ay mapapakinabangan na ito ng ating mga kababayan, dahil naisabatas na ito ngayong taon.

Ang No Permit, No Exam Prohibition Act ay talagang dapat nang maisabatas na sabi ni Sen. Bong dahil matagal nang hinaing ito ng mga mahihirap nating estudyante na masigasig naman sa pag-aaral.

“Basta ang importante dito, ‘yung ipinagbabawal ‘yung ‘no-permit, no exam.’ Hayaan lang nila na makapag-exam ‘yung mga kabataan,” sabi ni Sen. Bong.

Marami na raw kasi tayong naririnig na kuwentong nakakaawa ang mga mahihirap na estudyante na napagkaitan na makakuha ng exam dahil hindi pa nakabayad ng tuition.

“Very traumatic, kasi pangarap ng mga bata e. Para na rin kasi silang sinentesyahan na hindi ka pupuwedeng makapag-exam kung hindi pa bayad ‘yung tuition,” saad ni Sen. Bong.

Pero dapat pa rin daw talagang bayaran ang tuition. Hindi naman daw nila kinukumbinsi ang taumbayan na huwag magbayad ng kanilang tuition sa eskuwelahan.

Ngayong magbi-break na muna sila sa Senado, aayusin na ni Sen. Bong ang pelikulang sisimulan niya. Hindi pa niya sinabi kung ano ang title pero pang-apat na yugto ito ng hit movie niyang Alyas Pogi.

Ang ganda ng casting na pawang magagaling na actor ang kabilang sa movie project na ito. Isa na nga rito si Carlo Aquino na nai-post ni Cong. Lani Mercado ang meeting ng Kapamilya actor at ni Sen. Bong.

Sa IG post nito, nagkasama na raw sina Sen. Bong at Carlo nung 1999, at masusundan ngayong 2024.

COUPLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with