^

PSN Showbiz

Samahan ng mga producer, inaayos ang tax Holidays na 3 years

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binago na ang pangalan ng samahan ng motion pictures producers. Ang bagong pangalan nito ay Entertainment Producers of the Philippines (EPOP).

Ang members ng EPOP Board ay ang Regal, Idea First, Viva Films, Quantum Films, Reality Entertainment, APT at GMA Pictures.

Ang isa nga sa projects ng EPOP ay ang paghain ng motion para sa three-year moratorium on amusement taxes sa Metro Manila.

Marami pa raw ihahain na initiatives ang EPOP para sa local film producers.

Sarah, nakisimpatya sa asong pinatay at isinako

Talk of the town ang pagpatay at pagsilid sa sako ng isang aso sa isang bayan sa Bicol.

Maraming naawa sa kalunus-lunos sa pagpaslang sa aso ng isang lalaki na ang rason sa pagpatay eh ang umano’y pangangagat nito.

Bumuhos ang awa at simpatiya sa aso lalo na ang fur parents at mahihilig sa aso.

Nakisimpatiya rin si Sarah Geronimo sa nangyari na inihalintulad ang aso sa tao na may damdamin din.

Agad namang kumilos ang awtoridad at iba pang non-government agencies na tumutulong sa kapakanan ng mga hayop.

ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with