^

PSN Showbiz

Tom, inaming muntik tapusin ang buhay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tom, inaming muntik tapusin ang buhay!
Tom Rodriguez

Inamin ng aktor na si Tom Rodriguez na naging suicidal siya noong nakalipas na dalawang taon na kinonsider niyang darkest phase ng buhay niya.

Maaalalang naghiwalay sila ng ex-wife na si Carla Abellana noong taong 2022.

Tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda kung gaano katindi ang iyak niya noong last two years sa pinagdaanan nito at inamin niyang sobra ang iyak niya noon at mas nahirapan siyang makita ang ina na nahihirapan dahil sa kanyang kondisyon. Pakiramdam daw niya ay malaki ang mga nawalang importanteng bagay sa kanya.

Isa sa inamin niya ay muntik na raw niyang saktan ang sarili na bagay na hindi niya na maibabalik kung sakali dahil sa bigat ng kanyang pinagdaraanan.

Pero naisip daw niya ang kanyang pamilya na sumagip sa kanya sa balak na tapusin ang sariling buhay.

Sa kabila raw ng mga pagsubok na naranasan, patuloy pa rin siyang nagpapasalamat dahil marami pa rin siyang dapat ipagpasalamat.

Pero hindi naman inasahan ng ex ni Carla na ang kanyang healing journey ang magdadala sa kanya sa kanyang bagong pag-ibig ngayon. Inakala niyang isasara niya na ang pinto habambuhay.

vuukle comment

ACTOR

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with