^

PSN Showbiz

Female TV personality, naka-block na sa dating mga kaibigan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Naka-block na ang kilalang female TV perso­nality sa mag-asawang celebrity.

Pareho ng propesyon sina female at male celebrity, at hindi magandang pakinggan kung may sinasabi si female celebrity laban sa kakontemporaryo niya, pati sa asawa nito.

Kinulit namin si male celebrity kung puwede siyang magsalita sa gap nila nitong si female celebrity, pero ayaw niya.

Hindi nga naman daw magandang pag-usapan kaya hindi na siya pinilit ng manager niyang magsalita.

Basta naka-block na raw itong si female celebrity sa kanila, para wala na silang ugnayan sa isa’t-isa.

Marami na kaming kuwentong naririnig sa ugali ni female celebrity, at maayos ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawang celebrity, lalo na ang asawa ni male celebrity pero kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi nitong si female celebrity laban sa kanila.

Rayver, todo paliwanag sa ginawa kay Julie Anne

Hindi na rin nakapagpigil si Julie Anne San Jose, sinagot na niya ang mga nam-bash kay Rayver Cruz pagkatapos nilang mag-live streaming sa GMA 7 nung Sabado para sa promo ng kanilang All-Out Summerversary na nagsimula na kahapon.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens sa attitude ni Rayver doon sa live streaming na parang napaka-playful niya.

Hinahawak-hawakan ng Kapuso actor ang buhok ni Julie Anne, at hindi rin nila nagustuhan ang pagsasagot nito. May mga nagko-comment na parang ini-imply nilang nagdodroga raw ba itong si Rayver.

May nagko-comment pa kung lasing daw ba ito o nakapag-marijuana.

Hindi na nakapagpigil si Julie Anne, nag-post na ito sa kanyang X account para ipagtanggol ang nobyo.

Aniya, “Minsan lang po ako sumagot sa mga ganito, but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop (praying emoji).”

Nakausap ko ang ilang taong malapit sa magkasintahan, alam daw nilang haters ni Rayver ang nagpo-post ng ganung komento at nakahanap lang daw sila ng rason na i-bash ito sa ipinakita ni Rayver sa live streaming nila nung Sabado.

Pero nag-sorry na rin si Rayver na ipinost sa kanyang social media account.

Aniya,“Sa mga na-offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me.

“I don’t usually speak up pero ibang usapan ang accusations. Una, hinding-hindi ko saktan si Julie. My mom raised my right.

“Hinawakan ko ‘yung buhok n’ya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos ‘pag magkasama kami. Pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don. (praying emoji).

“I respect Julie sobra-sobra and sobra ko syang mahal pati ang family niya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko.

“Hinding-hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight.”

JULIE ANNE

RAYVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with