Nadine, pumayat sa boxing
Fresh and beautiful pa rin ang Kapuso actress na si Nadine Samonte na matagal ding namahinga sa acting at nag-concentrate sa pagiging mommy.
Present ang celebrity mom sa premiere night ng bago niyang pelikula, ang inspirational drama na Layas ng Pinoyflix Films under the direction of Jose “JR” Olinares.
Kasalukuyan na itong napapanood sa mga sinehan.
Sa true lang, maganda pa rin si Nadine.
Bumalik na sa dati ang kanyang katawan, ang laki na ng kanyang ipinayat.
At parang hindi naman siya nanganak ng tatlo.
Aniya, 10 kilos na halos ang nawala sa kanya dahil sa pagba-boxing at pagda-diet, “Pinaghandaan ko talaga ito - pagbabalik-showbiz. Grabe rin ang diet na ginawa ko.
“Sabi ko, kapag nag-comeback ako, kailangan payat ako. Eh, lumaki talaga ako nang sobra. So nagba-boxing ako, aside from diet. At masaya ako ngayon,” chika ni Nadine sa premiere night ng Layas.
Pinaabot muna niya ang dalawang taon ang anak na bunso bago ulit siya nagbalik sa showbiz at may blessing daw ang mister niya sa pagbabalik sa pag-arte.
“Basta salitan kami ng husband ko, kapag wala ako sa bahay, dapat nandoon siya.
“It’s time for me to work.
“Hinahanap ko talaga ang pag-arte, ang magtrabaho, magpuyat. Kaya noong mabigyan ako ng chance, in-accept ko na kasi, dahil sayang naman.”
Pero tulad sa mga misis na aktres, may limitasyon na siya sa kanyang mga ginagawa at hindi na siya kailangang pagsabihan ng kanyang mister.
“Ako mismo ang umaayaw, like hindi na puwede ang kissing scene, o bed scene. Siguro mga smack lang.
“Actually, ang husband ko mismo ang may gusto (pagpapa-sexy). Siya ang nagsasabi na okay lang. Ako talaga ang nagsasabi na wait lang, tingnan muna natin. Hahahaha. Mas conservative talaga ako sa kanya,” pag-amin pa ni Nadine.
Ang Layas ay isang inspirational feature film na pinagbibidahan din nina Joem Bascon, Alex Medina, Michelle Vito, and social media influencer Namy Ulengka.
Introducing ang child actors na sina Alodia Buenio, Kristine Buenio, RG Guinolbay, Gwynn Villamor and James Estrella.
Also starring Dianne Medina, Ping Medina, Dindo Arroyo, Pamela Ortiz, Poppo Lontoc, Trish Bancod, with the special participation of Norida Nakamura.
Showing na ngayon ang Layas sa mga sinehan at mapapanood din sa ibang bahagi ng Amerika at Japan.
- Latest