^

PSN Showbiz

Darren, magpapakitang-gilas sa Araneta para sa kanyang 10th anniversary

Pilipino Star Ngayon
Darren, magpapakitang-gilas sa Araneta para sa kanyang 10th anniversary
Darren Espanto.
STAR/ File

Ipagdiriwang ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren ang kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya sa D10 concert na magaganap sa Hunyo 1 (Sabado) sa Araneta Coliseum.

Inanunsyo ito ni Darren sa ASAP Natin ‘To noong Linggo pagkatapos ng performance niya ng latest single na Iyo na mula sa soundtrack ng Can’t Buy Me Love.

Mabibili na ang tickets para sa inaabangang concert sa Ticketnet outlets at ticketnet.com.ph sa halagang P8,004 (Platinum), P6,404 (VIP), P4,269 (Patron A), P2,668 (Patron B), P2,135 (Lower box), P1,068 (Upper box), at P427 (General admission).

Unang nakilala si Darren nang sumali siya sa first season ng The Voice Kids Philippines kung saan itinanghal siyang runner-up sa ilalim ng coach na si Sarah Geronimo.

Nagtuloy-tuloy ang tagumpay niya sa musika nang sumikat ang mga awitin niya tulad ng  Dying Inside To Hold You, In Love Ako Sa’yo, at 7 Minutes.

Nakapaglabas din siya ng dalawang platinum albums na pinamagatang Darren at Be With Me.

Noong nakaraang taon, inilabas ng multi-awarded artist ang kanyang unang single sa ilalim ng Star Music na Bibitaw Na.

Pinasok din niya ang pag-arte at napabilang sa cast ng blockbuster film na  The Hows of Us at iWantTFC series na Lyric and Beat.

Kasalukuyan siyang napapanood bilang Stephen sa hit primetime series ng ABS-CBN na Can’t Buy Me Love.

Huwag palampasin ang “D10” concert ni Darren na gaganapin sa Hunyo 1 sa Araneta Coliseum. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

vuukle comment

ARANETA

DARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with