^

PSN Showbiz

'Binaboy': Pinoy celebrities dismayado sa itinayong resort sa Chocolate Hills

James Relativo - Philstar.com
'Binaboy': Pinoy celebrities dismayado sa itinayong resort sa Chocolate Hills
Litrato nina Gardo Versoza, Anne Curtis at Janno Gibbs
Mula sa Instagram accounts nina Gardo Versoza, Anne Curtis at Janno Gibbs

MANILA, Philippines — Hindi na naitago ng ilang showbiz personalities ang kanilang nararamdaman sa ipinatayong resort sa paanan ng Chocolate Hills, bagay na ikinatatakot ng ilang makapinsala sa unang UNESCO Global Geopark ng Pilipinas.

Nag-viral kasi ngayong linggo ang isang video ng The Captain’s Peak Garden and Resort, bagay na nabatikos nang netizens. Pansamantala itong ipinasa dahil sa patuloy na pag-ooperate kahit walang Environmental Compliance Certificate.

"At binabuy na ang Chocolate Hills," diretsahang reaksyon ng aktor at komedyanteng si Janno Gibbs sa kanyang Instagram nitong Miyerkules.

Una nang sinabi ng Department of Tourism na walang akreditasyon sa kanilang tanggapan ang naturang establisyamento, at wala ring pagtatangkang mag-apply para rito.

Bagama't Setyembre 2023 pa binabaan ng closure order, nakuha pa nitong i-host ang 2024 Bohol Provincial Meet Swimming Competition.

"Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful  natural wonders of our country," banggit naman ng aktres at "It's Showtime" host na si Anne Curtis kahapon.

Pati ang aktor na si Gardo Versosa, ikinadismaya ang naturang proyekto at napa-"talaga lang???" na lamang.

Bagama't sinasabing pribadong pagmamay-ari ang The Captain’s Peak Garden and Resort, idineklara bilang "protected area" ng Proclamation 1037 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos taong 1997 ang Chocolate Hills.

Dahil sa naturang proklamasyon, maaaring magpatupad ng ilang paghihigpit o regulasyon sa paggamit at pagde-develop ng naturang area lalo na't "national geological monument" at "protected landscape" ito na dapat mapreserba.

'Tahanan namin ito, ipreserba'

Nananawagan naman ang Miss Supranational Philippines 2023 at Miss Philippines 2023 na si Pauline Amelinckx na maprotektahan nang husto ang lugar, lalo na't ipinagmamalaki nila ito ng mga gaya niyang taga-Bohol.

"The Chocolate Hills are part of every Bol-anon. It’s part of the land we call home, part of the soul of our island," sabi niya sa kanyang Facebook post Huwebes ng madaling araw.

"Now more than ever, we face the challenge of balancing progress with the protection and preservation of our natural landmarks. We all must play a part, big or small, to regenerate our earth, so it may regenerate us too."

Nawa'y hindi raw sana makalimutan ng mga Pilipino ang ganda ng lupaing ibinigay mismo ng Maykapal.

Kahapon lang nang tiyakin ng Captain's Peak Garden and Resort na tatalima sila sa kautusan ng DENR. Aniya, gagamitin nila ang panahong ito upang magsagawa ng maintenance at sari-saring environmental preservation efforts para masiguro ang sustainability ng establisyamento.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang hindi nasapatan sa pansamantalang pagsasara nito. Aniya, mas mainam na i-demolish na lamang ang lugar.

Nananawagan naman ngayon si Sen. Nancy Binay ng kaukulang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng pagpapatayo ng establisyamento, bagay na "nakagagalit" at "nakadudurog" daw ng puso.

ANNE CURTIS

BOHOL

CHOCOLATE HILLS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GARDO VERSOZA

JANNO GIBBS

MISS PHILIPPINES

MISS SUPRANATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with