^

PSN Showbiz

Sikat na aktor at young actress, may sex video!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sikat na aktor at young actress, may sex video!
Louise Abuel
STAR/File

Ngayon lang uli kami nagkakaroon ng balita sa 20-year-old actor na si Louise Abuel nang mainit siyang pinag-usapan sa X dahil sa kumakalat na sex video nito.

Ang daming nagri-request ng kopya ng video na nagpapasaya ng sarili itong batang aktor.

Sabi ng ilang nakakita ng video, malinaw raw ang video na parang may ka-chaturbate raw itong si Louise Abuel.

Parang hindi masabing deepfake dahil ang linaw ng kuha.

Hindi ito katulad ng video na kumalat na sinasabing kay McCoy de Leon daw ito. Pero ang layo, kaya kaagad na namatay na ang isyu.

Pero hanggang kahapon ay pinag-uusapan pa rin ito.

Samantala, meron namang nag-forward sa akin ng isang sex video rin na sinasabing kuha raw ito ng parehong sikat na aktor at young actress.

Nagtatalik ang dalawa sa video na kumalat, pero hindi malinaw sa kanilang mukha kung sila ba talaga ito.

Naririnig mo lang sa boses nila na parang sila nga. Pero hindi pa rin natin matitiyak dahil madilim ang kuha.

Sana hindi na lang!

Apo Whang-od, pinatunayang daks si Papa P!

Pinagtatalunan sa social media ang kumalat na video ni Piolo Pascual na hinipuan ni Apo Whang-od nang magpa-tattoo ito.

Napangiti lang si Piolo nang sinimulan na siyang hipuan ng pinakamatandang tattoo artist.

Dagdag pa ng kapilyahan ni Apo Whang-od, nagmuwestra pa itong ‘daks’ ang Kapamilya actor.

Kasama ang kapatid ni Piolo na nagpa-tattoo rin, at marami ang natuwa nang ipinost ito ng actor sa kanyang Instagram account.

Pero marami rin ang nag-react na hindi raw dapat kino-condone ang gawaing ito ni Apo Whang-od.

Okay lang sa mga kalalakihang nahipuan sila, at walang malisya sa kanila dahil matandang babae naman itong nanghipo.

Pero kung batang babae o bading ang nanghipo sa mga kalalakihan bago i-tattoo, iba ang dating nun.

Lalo na kung matandang lalaki ang nanghipo sa batang babae, dapat na itong kasuhan. Ganun ang reaksyon ng karamihan, dahil iba kapag lalaki ang gumawa nu’n.

Nag-promote sa radio program namin sa DZRH ang ang lead actors ng pelikulang Pagpag 24/7 na sina Wilbert Ross at Nikko Natividad.

Hiningan namin sila ng kanilang opinyon kaugnay dito.

Tila umaayon si Nikko sa sinasabi ng ilang netizens na kontra sa ginagawa ni Whang-od.

Ani Nikko, “’Yun din po ‘yung problema e. Kasi paano kung lalaki ‘yung nagta-tattoo na matanda, tapos ginawa ‘yun, ‘di ba? Gusto natin ipalaganap ‘yung equality daw, ‘yung gender equality… dapat pantay. Pero ‘pag lalaki ‘yung gumawa magagalit ‘di ba? Pero ‘pag babae, okay lang.

“Pero sa akin po personally, kasi nga dahil lalaki naman ako. Pero kung gaganunin ako ni Apo Whang Od, parang wala lang sa akin. Pero siyempre, paano naman sa iba?”

Depende naman daw kung may consent ito sa taong hinipuan, sabi naman ni Wilbert.

Nakakaranas din silang hipuan sa ilang out of town shows, o mga personal appearance.

Curious lang naman ako. Kung kontra ang karamihang netizens sa ginagawa ni Apo Whang-Od, ano sa tingin nila ang dapat gawin sa matandang mambabatok kung sakaling patuloy pa rin niya itong ginagawa sa mga kalalakihang nagpapa-tattoo sa kanya?

AKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with