Angeline, mahigit 10 years namahinga sa serye
Nagbalik na si Angeline Quinto sa paggawa ng teleserye. Makakabilang ang singer sa What’s Wrong With Secretary Kim na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Matatandaang huling nakasama si Angeline sa seryeng Kahit Konting Pagtingin mahigit isang dekada na ang nakalilipas. “Medyo matagal-tagal na nga rin po ‘yung huling ginawa kong teleserye and si Paulo rin ang kasama ko doon. Sobrang na-miss ko rin at the same time, noong nalaman ko from Dreamscape na mapapasama ako, akala ko ako si Secretary Kim,” natatawang pahayag ni Angeline.
Mapapanood na simula ngayong March 18 sa pamamagitan ng Viu ang bagong serye.
Ayon kay Angeline ay talagang malapit sa tunay na buhay ang kanyang bagong karakter na matutunghayan ng mga tagahanga. “Tinanggap ko kaagad ang role and hindi naman ako masyadong nag-adjust as Sarah Angeles. Kasi si Sarah Angeles parang si Angeline na masayahin, talagang kalog at siya ‘yung nagbibigay ng kasiyahan sa mga katrabaho niya kapag nai-stress sila,” pagbabahagi ng singer-actress.
Patrick, pinaghahandaan ang pakikipagrelasyon ng mga anak
Taong 2015 nang pakasalan ni Patrick Garcia si Nikka Martinez. Tatlong babae at si Enrique Pablo naman ang bunsong anak ng mag-asawa.
Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na umano ni Patrick ang pagpasok sa relasyon ng mga babaeng anak na sina Michelle Celeste, Nicola Patrice at Francisca Pia. “Building the faith, starting with the Lord. Usually kasi sa girls, you are more overprotective or protective of them when it comes to love and relationships when they grow older. And if I’m going to be their benchmark for choosing a guy, I want to set the bar high in terms of how I treat them,” makahulugang pahayag ni Patrick sa YouTube channel ni Toni Gonzaga.
Maglalabing-anim na taong gulang na ngayon ang anak ng aktor at Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Nakasuporta raw si Patrick sa lahat ng mga ginagawa ng kanyang limang anak. “Find something that they love to do. When you’re having fun, even if it’s work, it’s easier when it’s fun. Because when it’s fun, they got to do the work easier,” giit niya.
Matatandaang labing-isang taong gulang pa lamang noon si Patrick nang magsimula sa show business. Hindi raw basta papayag ang aktor kung sakaling magkaroon din ng hilig ang mga anak sa pagiging artista. “As of now, being a child in this industry, ‘wag muna. If they are old enough, kung gusto nila ‘yung industriya and they are old to decide. For me, I don’t want them to like for the popularity for the people. I don’t want them to join it for that reason. You join it because you want to do something. You want to act or you want to dance. You want to express the talent of yours and share it to people then you are in the right place. But if it’s just for like to be popular or money, no,” paliwanag ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest