Miss World Philippines bet, laglag sa top 40
Ok namang sabihing “we are proud of you, Miss World Philippines,” but the fact remains that our candidate Gwendolyne Fourniol failed to enter the Miss World 2024 Top 40.
Sa 71 years ng pageant and with our queen Megan Young hosting the pageant, we learn from this failure, bakit ang layo natin? Saan tayo nagkulang? At ano ang dapat nating gawin for a better showing next time?
2024 Oscar Awards, inaabangan ang ipapanalo!
Ngayong araw na palabas sa atin ang 2024 Oscar Awards, at malalaman na natin – alin sa dalawang pelikulang Oppenheimer at Killers of the Flower Moon ang papaboran ng Hollywood?
Makakasilat ba ang ilang pelikula at artista ng Oscars na nauna nang nanalo sa Golden Globes at SAG Awards?
Wait and see tayo dyan!
Dulce, solid pa ang boses
Saan kaya kinukuha ni Dulce ang boses niya? Solid ang naging performance niya sa kanyang concert the past weekend na sabi nga ng kasamahang Pilar Mateo, super duper panalo.
Sa ginawa at puwede pang gawin ni Dulce, kayang-kaya pa niyang pumuno ng bigger venues other than Music Museum na medyo hindi senior-friendly, ‘di ba?
“Malaya na kami,” ang sabi ni Dulce sa dalawang anak niyang napakagaling ding kumanta.
Malaya na sa ex ni Dulce na grabe ang pinagdaanan nila.
Si Dulce ang dapat pang mapanood sa mga ASAP Tributes, at iba pang malaganap na programa dahil magaling pa rin siya.
Promise?!
Ed Sheeran, nakipag-duet sa Ben&Ben!
Kung si Chris Martin ng Coldplay ay kumanta ng Raining ni Manila with Lola Amour, nakakatuwang si Ed Sheeran ay inaral ang Maybe The Night ng Ben&Ben at nakasama pa sila sa stage mismo.
Puwede bang maging rule na ito – na bawat foreign artist na magtatanghal sa Pilipinas ay dapat matutong umawit ng Original Pilipino Music? Hindi ba dapat lang?
Morissette at Ferdinand, hinarana ang mga taga-Visayas at Mindanao
Magaling ‘yung number ni Morissette at Ferdinand Aragon sa ASAP na kumanta ng Visayan song sa FRESH na segment nila kahapon. Dahil napapanood nationwide ang shows sa TV, mano bang maglaan talaga ng numbers na hindi lang Manila-centric, ‘di ba?
Mabuhay ang mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao!
Nakakata-quote:
“Oo nag-artista ako, pero laos na ako bago pa sumikat.”
“Paano’ng ako ang pumatay o nagpapatay (kay Alfie Anido her boyfriend) eh I was on the phone that moment with his mother.” – Katrina Ponce-Enrile to Korina Sanchez in Korina Interviews
- Latest