^

PSN Showbiz

Iza, nagpasabog sa Women’s day

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Iza, nagpasabog sa Women�s day
Iza Calzado.
STAR/ File

Pasabog naman ang International Women’s Day post ni Iza Calzado na body photo niya noong nasa sinapupunan pa niya si Deia Amihan.

Grabe ang range - from Mama Mary to isang daring nude child bearing photo, bagay ba?

Mabuti na lang art ang tingin ng mga tao - at totoo bang ang kasunod na nito ay nude painting na ulit?

Hindi naman malaya dahil si Izadora ang isa sa muses - ang Sabel ni National Artist Ben Cabrera (BenCab)?

Panonood ng concert sa abroad, mas namumurahan ang mga pinoy

This weekend nagtatapos ang Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore at maraming kababayan natin ang lumipad including artists like Janine Gutierrez, KZ Tandingan, Enchong Dee, Moira, Toni Gonzaga, Mariel Padilla among many others.

Talaga bang wala na tayong chance sa ganitong mga concert kapag may exclusivity na ang bansa sa isang artist?

Totoo bang kung minsan mas nanaisin pa ng ilang kababayan natin na sa ibang bansa manood ng concert kasi lalabas na mas mura pa ang gastos sa ticket  at biyahe kaysa sa babayaran kung dito sa Pinas at kuntodo traffic pa?

Talaga ba?

Mr. M, ‘di na nararamdaman sa Sparkle...

Napakarami nang naglabasang coverage photos ng Walk Of Fame Induction.

Ang tanong lang ng ilang nakapansin - complete ang coverage ng Sparkle sa mga talents nila na sina Alden Richards (co-producer ng Walk Of Fame coverage), Awardees Michelle Dee, Richard Yap at Sanya Lopez.

Bakit kaya walang photo man lang with the Sparkle peeps ang isa pang awardee na supposedly consultant nila na si Johnny Manahan (Mr. M) na dumalo rin sa event?

Kahit nga sa group photos ng GMA group, wala rin sa official pages si Mr. M.

Understandly hindi naman na-picture si Mr. M, at marahil, wala namang kaso sa kanya ‘yun - pero nakalimutan lang ba o wala lang sa Sparkle social media team ‘yung parangal niya?

Matteo at Mommy Divine, ‘di pa ayos

“Shoutout to my mother, Divine Geronimo. You are the best. You are my hero. I love you very much,” ang naibulalas na nakita nating medyo taranta at excited na Sarah Geronimo sa Billboard Global Force Awards Cereminies para sa Women In Music.

Nakakikumusta tuloy ang mga Maritess - kumusta na ba sina Sarah at Mommy Divine?

Balitang nagco-communicate naman daw ang dalawa. Ok na ba ang lahat din with Matteo?

Maaayos din ang lahat - sa tamang panahon, di ba?

Nakakata-quote:

“I’M BACK!!! Thank you, my hacker. May natututanan ako today dahil sa yo. Ikaw, may nakuha ka bang pera sa friends ko???” – Chanda Romero after a hacked FB

vuukle comment

IZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with