^

PSN Showbiz

Pamilya ni Julia, pinaghandaan ang birthday ni Gerald

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ni Julia, pinaghandaan ang birthday ni Gerald
Gerald Anderso, Julia Barretto at Pamilya
STAR/ File

Kapamilya na talaga ang turing ni Marjorie Barretto at ng kanyang mga anak kay Gerald Anderson.

Nag-celebrate ng kanyang birthday ang aktor kasama ang pamilya ni Marjorie and of course, ang girlfriend nitong si Julia Barretto.

“Happy Birthday Ge! May all your prayers and dreams come true,” ang birthday greetings ni Marjorie sa future son-in-law niya.

Tsinek namin kung binati ni Dennis Padilla si Gerald ng happy birthday, wala kaming nabasang birthday greetings nito.

Sabagay, sabi nito, gusto niyang makausap si Gerald at hindi pa nangyayari ‘yun.   DANIEL, MAY resto SA DUBAI!

Ayaw maniwala ng bashers ni Daniel Padilla na co-owner siya ng Spice Grill Restaurant sa Dubai siguro dahil nabalita na nagbenta siya ng sasakyan at ibinebenta ni Karla Estrada ang bahay nila sa may Fairview.

Nabalita rin na may utang siya kay Kathryn Bernardo at sa pamilya nito.

Ang iba, kaya ayaw maniwalang co-owner siya ng resto dahil hindi puwedeng magkaroon ng business ang hindi resident doon. Baka raw shares lang ang meron siya at kapalit noon ay i-endorse niya ang resto.

Bagay na kinontra ng mga Pinoy na based in Dubai. Ina-allow na rawa ng Dubai na mag-open ng business ang mga expat. Hindi rin kailangang personal na i-manage ang resto dahil may co-owner nga siya at puwede rin siyang mag-hire ng manager.

Marami rin ang natutuwa at kino-congratulate siya at ibig sabihin nito, mali ang balitang naghihirap siya at ang pamilya nito.

Bago raw maghirap ito, bibilang muna ng taon dahil marami siyang ipon sa ilang taon na active siya sa showbiz.

Habang pinagtatalunan ng fans niya at anti-Daniel ang financial status niya, chill lang ang aktor. Nasa Dubai pa rin siya noong Thursday, nag-shopping at naglaro pa ng basketball.

Kahapon, nakabalik na siya ng bansa at sinalubong ng maraming fans sa airport.

Sarah, inilabas na ang kaseksihan

Naka-post sa Instaram ni Michael Cinco ang photos ni Sarah Geronimo suot ang gown na ginawa niya para sa Billboard Women In Music Award. May caption na “Filipino superstar singer SARAH GERONIMO @justsarahgph attends the BILLBOARD Women in Music Award in a couture custom-made #MichaelCinco as she receives the first ever recipient of Global Force Award at the YouTube Theater in California. “

Napa-“kaya pala” si Mark Bautista at positibo ang comment sa gown niya na first time nakita na ganu’n ka-sexy ang suot.

Ang wish nila, magtuluy-tuloy na ang ganitong image nito para maiba naman at iwan na raw nito ang dating image at style niya when it comes to OOTD.

Ang biruan ng netizens, si­guro naman daw nagbayad siya kay Michael dahil naalala nila ang post ni Michael na may mga lumapit sa kanyang stylist at ginagawang libre ang pag-design niya ng mga gown sa Filipino celebrities.

After that post, wala nang hihingi ng libre o X-deal kay Michael Cinco.

Anyway, sinamahan ni Matteo Guidicelli sa Los Angeles, California si Sarah to receive her award. In an interview, sinabi nito na si Matteo ang nag-push sa kanya na um-attend sa award at hindi siya nagsisi.

Ibang experience ‘yun at kasama pa niya ang asawa.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with