Dalawang sikat na aktres, may tapatan sa glam
Naku, napapansin ng staff ang simpleng iringan ng team (stylist at glam) ng dalawang sikat na aktres na magkasama sa isang ginagawang drama series.
Ayon sa aming source, pagdating sa suot na damit at makeup, may kumpetisyong namamayani, huh!
Kasi naman, kati-katira rin ang mga kasama nila sa team. Sila mismo ay nagpapayabangan sa suot at style ng kanilang mga alaga, huh!
Eh ayon pa sa source namin, parang nasusulsulan naman ang dalawang aktres na dapat talbugan ang isa’t isa kaya nagkakaroon minsan ng tensiyon sa set kapag silang dalawa na ang magkaeksena, huh!
Pero sa totoo lang, hindi lang ang dalawang aktres ang kasama nila sa series. Meron pa silang younger sa kanila pero nagbibida na rin!
So imadyinin na lang ninyo kung ang mga kasama rin pala nila eh may itinatagong galit o inis sa kanila, huh!
Vice, ibinala sa noontime ng GMA
Ipinambala ng GMA Network ang movie ni Vice Ganda na The Unkabogable Praybeyt Benjamin sa buena manong handog ng Lunchtime Movie Hits kahapon bilang kapalit ng nawala nang Tahanang Pinakamasaya.
As we all know, namaalam na sa ere ang TAPE-produced lunchtime show. Wala pa namang balita kung may bagong show na ipapalit dito.
Maraming haka-haka na magpo-produce muli ng GMA ng noontime show, papalit daw dito ang TikToClock! May balita ring may co-production sa oras ang GMA at TAPE, Inc.
At ang sure na makakasama raw sa bagong noontime show ay si Isko Moreno lang, huh!
Abang, abang!
- Latest