Sikat na female host, may lihim na relasyon sa director!
MANILA, Philippines — Nakatago rin ang landi ng isang kilalang female host na may asawa’t anak na.
Visible pa rin ang host habang ang asawa eh tumahimik muna sa pulitika at negosyo ang pinagkaabalahan.
May pinupuntahang resto ang babe si female host kung saan doon niya kinakatagpo ang boylet niya. Eh dahil kilala, ang sinasabi sa staff ng resto na ka-meet niya eh isang director.
Pero lingid sa kaalaman ng staff, kasama na pala ni host ang boy sa sasakyan. Nauuna lang madalas dumating sa resto si host.
Take note na sa isang private room ng resto nagsasama ang dalawa, huh! Meeting ang laging rason ng host sa ka-meeting na director kuno, huh!
Hindi naman katandaan ang boy. Halos kaedad niya si host. Ang asawa naman ng host eh may edad sa host.
Marian, perfect sa Alien
Perfect ang deskripsiyon ni Marian Rivera sa comeback TV series niya sa GMA na May Guardian Alien.
Sa pahayag ni Yan, ito raw ang project na puwedeng panoorin ng mga anak niyang sina Zia at Sixto.
Bilang isang ina, gusto rin ni Marian na mapanood ng mga anak ang trabahong ginagawa.
Ngayong Abril na ang mapapanood ang bagong character ni Marian sa My Guardian Alien.
- Latest