^

PSN Showbiz

'Magkikita uli tayo': Andi Eigenman sa pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose

James Relativo - Philstar.com
'Magkikita uli tayo': Andi Eigenman sa pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose
Jaclyn with daughter Andi and grandchildren Ellie, Lilo and Koa.
Photo from Jaclyn's Instagram

MANILA, Philippines — Tuloy sa pagdadalamhati si Andi Eigenmann matapos pumanaw ang beteranang aktres at inang si Jaclyn Jose dulot ng atake sa puso nitong Sabado ng umaga.

Sa isang Instagram story ngayong Martes, ibinuhos ni Andi ang matinding pangungulila habang tinitiyak sa sariling nariyan ang pinakamamahal na nanay sa palid-ligid.

"Ika'y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya," sabi ng dating Kapamilya star.

"Wala na ang sakit. Wala na ang takot. Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal. Magkikita din tayong muli."

Na-cremate na sa ngayon ang labi ng award-winning actress at kasalukuyang ibinuburol, dahilan para dumagsa ang mga kasamahan sa showbiz.

Una nang nagpasalamat si Andi sa lahat nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang pamilya, habang humihingi ng privacy mula sa publiko.

"Sa ngayon, didinggin ko muna ang iyong mga awit," pagtatapos ni Andi sa IG.

Jaclyn bilang lola

Present din sa burol ng aktres ang aktor na si Jake Ejercito, na dating nakarelasyon ni Andi. Mayroon silang anak na babae, na siyang inaalagaan din ni Jaclyn.

"Of her many iconic roles, being a grandmother was one she cherished the most, especially to Ellie," banggit ni Jake sa sariling IG story.

"I'll surely wouldn't have survivied those early years of fatherhood without your guidance. We rolled with the punches together — anything and everything just for Ellie."

"You've left a void in Ellie's heart that we could only attempt to fill for the rest of our days. But I'll give my best shot and make sure she'll be ok. Maraming salamat sa lahat, tita. You were loved, [e]specially by your Ellie."

Nagbahagi rin si Jake ng online message na ipinadala sa kanya ni Jaclyn. Aniya, miss na miss na niya ang nabanggit nang "sobra" at itinuturing pa ring anak.

Matagal nang naghiwalay sina Andi at Jake habang kasalukuyang engaged na ng nauna ang professional surfer na si Philmar Alipayo kung saan mayroon na rin siyang mga anak.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

HEART ATTACK

JACLYN JOSE

JAKE EJERCITO

WAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with