Pagbabu sa ere ng tahanan...natabunan na!
Tulad ng nauna na nating nasabi, replay episodes na ng Tahanang Pinakamasaya ang napanood kahapon at sa mga susunod na araw.
Sadly, natabunan na ang issue ng pagkakawala nito sa ere dahil sa pagpanaw ni Jaclyn Jose.
Sabi naman nung defender nung TAPE sa YouTube, replay episode daw until Thursday.
Hanggang siguro makapag-usap na ang magkabilang panig at makapagpasya ng agreeable settlement sa mga bayarin pa?
Magandang buhay, nagpaalam sa TV5
Wala na pala ang morning talkshow ng ABS-CBN na Magandang Buhay, nagpaalam na sa TV5 starting yesterday.
Kumpirmadong hindi na mapapanood simula kahapon Lunes, March 4 ang Kapamilya morning talkshow na Magandang Buhay sa TV5.
May kinalaman kaya ito ang biglaang new timeslot ng programa sa pag-alis nila sa TV5? Tuwing 9:00AM sa Kapamilya Channel, A2Z, KOL, iWantTFC at TFC.
Matatandaang ilalagay sana sa 6:00AM timeslot ang programa simula ngayong Lunes sa TV5.
Oh well, kumusta naman ang sariling morning show ng TV5 na Gud Morning?
Parang hindi rin naman tumatatak kahit nandu’n pa si Dimples Romana kasama ng ibang bulol na hosts.
May balasahang magaganap na naman ba sa pang-umagang programming? Sana.
PNP, bawal magsalita
Hindi na binanggit ng PNP spokesperson ang cause of death ni Jaclyn Jose dahil the family opted to keep matters related to her demise private daw kaya respetuhin na lang natin ‘yun.
Very telling lang na may delay ang pagkakareport ng pagkamatay kung March 2 pa pumanaw ang ating Cannes Best Actress.
Bumuhos ang pakikiramay ng karamihan ng ating mga artista at kasamahan sa trabaho at aabangan ang detalye ng burol at libing.
Ang tanong: paano kaya tatapusin ang kanyang participation sa Batang Quiapo, ang project sa kanyang pagbabalik ABS-CBN?
At meron din kayang partipasyon ang GMA7 sa mga tribute sa kanya since du’n siya naging network artist after niyang manalo sa Cannes?
Abangan!
“Eto na naman tayo eh… laging gusto makauna sa scoop… tumahimik muna kayo!!!”
Heto ang naging parinig ni Gina Alajar sa mga nagpo-post at nangunguna sa mga balitang namatay nang wala pa ang kumpirmasyon mula sa pamilya.
Bakit ganu’n, may premyo ba ang maunang magreport nito?
Ano ang mapapala nila sa pakikipag-unahan?
sana magkaroon ng personal na pagpupulis sa ganitong gawi.
Nakakata-quote:
“Jaclyn Jose, her life itself is her greatest obra maestra.” - Andi Eigenmann
- Latest