^

PSN Showbiz

Jericho at Kim, hindi naapektuhan sa kanilang hiwalayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jericho at Kim, hindi naapektuhan sa kanilang hiwalayan
Jericho Rosales at Kim Jones
STAR/ File

Pinatunayan nina Jericho Rosales at dating misis na si Kim Jones na maaaring maging magkaibigan ang mag-ex.

Nilantad ng aktor na noong pumutok ang balita tungkol sakanilang hiwalayan nito lamang buwan ng January ay magkausap pa raw sila nito at kinakamusta ang isa’t isa.Tinatawanan na nga lang daw nila iyon.

Ang pinakamagandang part daw at masasabi nilang success ay noong maramdaman nilang naiintindihan sila ng mga tao na nangyayari talaga ang mga ganitong bagay. Hindi raw kailangang palaging maging malungkot dahil nai-transform naman daw nila ang relasyon sa mas espesyal, ang maging magkaibigan.

Normal at naiintindihan daw nila ang nararamdaman ng mga tao na maging malungkot ang mga ito sa naging hiwalayan nila pero para sa kanila raw ay isa ito sa pinakamagandang nangyari sa kanilang relasyon.

Gusto rin daw nilang maging inspirasyon at ipakita sa lahat na“Hey, look, it can be done. You can be friends with your ex.”

Isa pa sa nilantad ni Echo ay may ginagawa raw sila ng dating misis na bagong pelikula.

Sina Kim at Jericho ang dapat tularan ng mga naghihiwalay na hindi kailangang maging panget ang breakup.

Kung kaya naman palang maging peaceful ang breakup na gaya sa kanila at pag-usapan nang maayos at mag-move on na.

Kaya marami ang bumilib sa kanila.

Habang nakaabang naman ang netizens kung may something na ba sa ex ni Kim at kay Kathryn Bernardo na napapadalas ang pagkikita. Bongga.

vuukle comment

JERICHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with