Sherilyn Reyes, na-swindle ng P35 milyon, hindi pa fully paid hanggang ngayon
Namulubi ng limang taon...
Halos limang taon na nung na-swindle si Sherilyn Reyes, pero hindi pa rin niya bayad sa mga investor and client niya.
Literal na namulubi sila ng mister na si Chris Tan nung na-scam / swindle sila.
Pero ang talagang nagpabaon sa kanya ay ang interest sa mga loan niya sa negosyo : “Kasi 2019 kami na-swindle, eh pandemic, tapos 2021 nagkaroon ako ng isang show, 2022 isang show, then 2023 isang show, so sa sobrang laki ng na-swindle sa akin, sa tingin mo kaya ko ‘yon sa tatlong show lang?” umpisa ni Sherilyn nang hingan namin ng update tungkol sa na-swindle / na scam sa kanyang P35 million.
Nagbebenta noon ang actress / TV host ng mga Hermes bag, mga hard to find na item.
Pero naloko siya ng doktora na naging regular client niya. Isinanla pala nito ang mga kinukuhang bag sa kanya sa isang kilalang pawnshop hanggang naremata ang mga ito kaya siya ang nagdusa sa pagbabayad ng mga nasabing mga bag na milyon ang halaga ng isa sa kanyang mga source.
Mga kelan matatapos ang pagbabayad mo?
“Hopefully, ini-aim naming mag-asawa talaga na this year matapos na. Hopefully after this year, zero na talaga lahat.”
Ten million na lang ang natitira sa P35 million.
So wala ka talagang ipon ngayon?
“Wala, kasi dinispose namin lahat. Isang kotse lang natira sa amin na luma, ‘yun lang. Si Ryle (Santiago), buong savings niya pinahiram sa amin. Tapos ‘yun nga, siya ‘yung huling mababayaran if ever. Syempre kailangang unahin ‘yung ibang tao kasi no matter what, eh. Ako at ako ang masisira. Ako ‘yung kausap,” katwiran pa ni Sherilyn na co-host ng newest public service program na Si Manoy ang Ninong Ko na magpi-premiere this Sunday (March 3) on GMA.
So hindi ka na nagbebenta ng bag ngayon?
“Hindi na katulad dati. Before, magta-travel kaming mag-asawa (Christ Tan), ‘pag tinawagan kami ng Hermes, ‘o may bag dito’ pupuntahan mo, bibilhin mo,’ngayon hindi na. Kung may maghanap, dun lang ako magso-source pero kung meron sa ibang bansa, hindi ko na liliparin ‘yon. Whatever is here, ‘yun na lang. ngayon, halimbawa sabihin gusto terms, ‘wag na lang.
“Ayoko na magpa-terms, cash lang or layaway. Minsan nga kahit layaway, problemado ka pa rin kasi halimbawa bumili ka sa akin layaway, hindi mo na mabayaran, nakatengga rin sa akin ‘yung bag, babayarin ko rin, example ‘yung financer na nagbayad ng cash dun sa ano... so mahirap pa rin. May problema pa rin so mas mabuti kung cash basis na lang lahat.”
So ngayon wala ka nang mga bag na Hermes?
“Wala na.”
Nasan na ‘yung mga nag-swindle sa inyo?
“’Yung girl nasa States, ‘yung pinaka-pawnshop na involved, nandito lang. Malaking pawnshop siya actually. Hindi ko kasi alam, hindi namin alam mga reseller. We didn’t know na ang mother company pala nung isang kumpanya ay pawnshop. Pinapasok dun ‘yung bags hanggang sa parang inipit na nila ‘yung tao.”
Kumusta na ‘yung isinampa mong kaso?
“Nasa DOJ ‘yung kaso namin. Two years na, magti-three years na ngayong October. Pero parang malakas din kasi ‘yung... kumbaga... pwede kang maging hopeless but still you are hopeful na sana may mangyari sa kaso. Hindi biro kasi,” dagdag pa niya sa aming interview.
Anyway, with her as the newest faces of public service are Gelli de Belen and Patricia Tumulak. Joining them is Manoy himself, former businessman and now public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.
- Latest