^

PSN Showbiz

Dennis, handa nang magkaapo kina Julia at Gerald

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, handa nang magkaapo kina Julia at Gerald
Julia at Dennis

Nag-uusap na pala ang mag-amang Dennis Padilla and Julia Barretto.

Ito ang kinumpirma ng komedyante sa grand presscon ng romantic-comedy film na When Magic Hurts starring Beaver Magtalas and Mutya Orquia last Saturday, directed by Gabby Ramos.

Ayon sa komedyante, nag-reach out ang anak sa kanya last Feb. 9, birthday niya, sa isang short text message.

“Nung birthday ko, nagulat din ako dahil gabi na nu’ng ma-receive ko ‘yung text. Nu’ng una nga, hindi ko alam, sabi ko, ‘number pa pala niya ‘to,’’ sabi niya tungkol sa pagbati ng anak na matagal na niyang wini-wish na mangyari.

Dahil short message, maiksi rin lang daw ang isinagot niya.

“Actually, hindi ko alam, bigla na lang tumulo ‘yung luha ko,” aniya na nung umpisa ng presscon ay hindi pa niya ikinuwento pero pagkatapos ng presscon ay nagpa-interview na siya. “Tinatanong ko rin sa sarili ko kung dapat ba na sabihin ko sa mga press na nag-text siya. Sabi ko, hindi ko alam kung tama, pero ‘yun ang nararamdaman ko na okay naman na malaman ng tao na nag-text na siya sa akin, proud lang ako.”

Hoping siya na magtutuluy-tuloy na ang communication nila ng anak at ng mga kapatid nito.

“Siyempre masaya at masarap sa pakiramdam. I hope tuluy-tuloy na aming communication and I’m thankful na nabati niya ako noong birthday ko. I hope mabati na niya ako in every special occasion,” sabi pa ni Dennis na gaganap na bading sa When Magic Hurts..

Nabanggit din niya sa interview na happy siya for Gerald Anderson and Julia na sana raw ay siya ang maghatid sa altar sa anak sakaling ikasal ang dalawa.

Handa na rin daw siyang magkaapo kay Julia.

Anyway, nakaka-excite panoorin ang When Magic Hurts dahil sa Atok, Benguet ito nag-shooting.

Kaya nakakalungkot ang balitang dalawang magkahiwalay na sunog sa kagubatan ang tumama sa ilang bahagi ng Tuba, Benguet na tumagal ng isang araw.

Ang ganda-ganda raw sa Benguet at kung masusunog ang ibang bahagi, baka masira na ito nang tuluyan.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with