^

PSN Showbiz

Gigi de Lana, pinaramdam ang kagaspangan ng ugali pagkatapos kumanta sa ‘special occasion’!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gigi de Lana, pinaramdam ang kagaspangan ng ugali pagkatapos kumanta sa �special occasion�!
Gigi de Lana and The Gigi Vibes.

May bagong reklamo na naman kay Gigi de Lana and The Gigi Vibes.

At doon lang naniwala ang isa kong friend na ang bilis ngang nag-feeling superstar nito.

Ang latest na kuwento, nag-perform sila sa isang katatapos na super special occasion. May nag-sponsor daw dahil favorite ito ng may okasyon.

Fast forward: natapos na raw ang isang set nito at kanyang banda.

Dahil special occasion at nag-e-enjoy ang mga andun, may mga nagmo-more.

Pero bumaba na raw ng stage si Gigi hanggang pinakikiusapan ng kapwa niya singer na mag-more or mag-duet sila (encore).

Tigas daw ng pandededma ni Gigi at nakatungo lang. Walang reaction.

Hanggang may nag-offer na sa kanya ng ‘name your price.’

Pero wala raw talagang epekto, nakatungo lang ito at parang walang na­ririnig habang napapaligiran ng mga kabanda niya.

Kaya sabi raw nung mga andun ay ‘wag nang pilitin kung ayaw talaga.

Hanggang umalis ang singer na nakatungo pa rin daw.

Hindi ito ang unang narinig kong reklamo kay Gigi de Lana.

Usap-usapan sa Ormoc nang pumunta kami last year ang naging attitude nito nang maging performer sa month-long celebration ng 75th anniversary ng nasabing lungsod.

Ang kuwento ng ibang nakausap namin doon, ayaw magpa-picture sa fans ni Gigi kahit pa raw sa mga mismong staff ng organizer ng event. Pinaligiran din daw ito ng kanyang mga kabanda.

At ang nakakaloka, nakatalukbong pa raw si Gigi.

Usap-usapan pa that time na ‘di rin pala kagandahan talaga ang boses nito ‘pag live! Daming sablay.

Kaya super imbyerna raw ang mga taga-roon ayon sa isang source kaya’t malabo na raw itong makabalik sa Ormoc.

Sayang din siya. Siguro kung walang masyadong mga ganitong feedback sa kanya at mga kasama sa banda, baka mas sisikat pa si Gigi at kikita pa ng mas malaki.

Sa true lang, sabi nga, sa showbiz more than the money or talent fee, pakikisama ang mas importante.

vuukle comment

GIGI DE LANA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with