Michael, matagal nanahimik sa pang-aabuso ng mga celeb
Talagang hindi ka puwedeng gumawa ngayon ng isang bagay na maitatago mo nang matagal. Tiyak na one day, biglang sisingaw ito at pag-uusapan.
For the longest time tahimik si Michael Cinco sa celebrities at stylists na nanghihiram at umaabuso sa local designers, make-up artists at suppliers.
Totoo naman ito, kadalasan ‘pag baguhan pa lang celebrity mabait iyan manghiram at makiusap. Pero ‘pag sumikat na, hayun, mag-iiba na ang taste at mapupunta na sa iba. At mas maiinis ka pa dahil akala mo sanay sa expensive things eh dati naman cheap lang ang taste.
Iba rin kasi ‘pag lumalaki na ang ulo ng isang tao, kaya naman mabuti nga at tumalak si Michael Cinco, siguro mauuntog ngayon ang ibang celebrity at mahihiya, hah hah.
Pero meron namang very loyal pa rin and will stay with their sponsor hanggang kaya nito.
And in life naman, kanya-kanyang panahon lang, dahil umiikot ang mundo. Pero lagi naman kung sino ang talagang hindi ka iniwan, iyon pa rin ang nagwawagi sa ending.
Saka meron talagang sosyal since birth, may flair talaga sa fashion, kahit anong isuot o ayos, maganda pa rin. Kahit anong brand ang gamitin mukhang expensive.
Kaya nga, dapat ganun kayo, tastefully fashionable and trendy, at sosyal na jologs, para bongga.
Beaver, may launching movie na
Alam mo ba na isa sa love ko na celebrity si Beaver Magtalas.
Kasi nga napakabait ng nanay niya, si Filipina at daddy niya na si Alvin Magtalas, at talagang napakagalang sa showbiz writers kaya naman mamahalin mo talaga ang anak niyang si Beaver na isang promising singer at actor.
Biruan nga na baby ng showbiz writers si Beaver kaya naman halos lahat kilala at tinutulungan siya.
Happy kami sa pag-usad ng kanyang career kaya hoping kami na lalo pa siyang sumikat at makilala at hangaan sa kanyang talent.
May launching movie na si Beaver, When Magic Hurts kasama si Mutya Qrquia na sana ay talagang kumita at mapanood sa streaming platform.
- Latest