^

PSN Showbiz

Ellen at Derek, gumagawa ng baby sa Antarctica!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ellen at Derek, gumagawa ng baby sa Antarctica!
Ellen Adarna at Derek Ramsay.
STAR/ File

Ang bongga naman ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na nag-e-enjoy sa yelo sa Antarctica.

Binahagi nila sa isang post ang pag-explore sa icy continent.

Ipinost nila ang mga litrato at video ng penguins at pati na rin ang nakapalibot na mga bundok at tubig.

Sa isang hiwalay na post ay binahagi naman ng aktor ang video nila habang naglalakad sa yelo kung saan kinukuhanan niya ang nanay ni Elias.

“I’m happy you are happy! You’re my best friend and the love of my life @maria.elena.adarna,” caption ng mister ni Ellen.

Maririnig sa video na nagpapasalamat siya sa asawa, “Thank you for the amazing gift.”

“Thank you God for my amazing husband who gifted me this trip,” dagdag niya kung saan may inalala sila tungkol sa kanilang experience sa Gulugod Baboy.

Makikita ang saya ni Ellen sa regalo ng asawa at sey nga ng isang netizen ay ‘happy wife, happy life’ kung saan napa-sana all ang marami sa kanilang tagahanga dahil bucket list din daw nila ang makapunta sa pinupuntahan ng mag-asawa.

Nakakainggit naman ang mag-asawa na tila panay ang pag-travel.

Mukhang sinusubukan na nilang gumawa ng baby sa icy continent.

Maaalalang plano na nilang magka-baby ngayong taon at goal nilang magkaroon ng ‘dragon baby.’

vuukle comment

ANTARCTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with