^

PSN Showbiz

Mariel, proud sa Eddie Garcia Bill

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Mariel, proud sa Eddie Garcia Bill
Robin at Mariel Padilla.
STAR/ File

Super proud si Mariel Padilla sa asawang si Senator Robin Padilla na malaki ang naitulong upang maipasa sa Senado ang third reading ng The Eddie Garcia Bill.

Layunin ng panukalang batas na protektahan ang movie at TV workers sa kanilang trabaho.

Of course, katuwang ni Senator Padilla ang kapwa senador na malaki rin ang utang na loob sa showbiz.

Bukod sa senador, may ilan ding showbiz personalities na dumalo sa hea­ring ng panukala.

Nag-ugat ang The Eddie Garcia bill nang mamatay sanhi ng kanyang pagtatrabaho si Eddie Garcia.

Ilang kembot na lang, pirma na lang ni President Bongbong Marcos ang hihintayin upang maging ganap na batas ang The Eddie Garcia Bill.

Young actor, napapansin ‘pag gumigiling sa stage

Aliw-aliw ang tao sa bawat regional show ng GMA lalo ngayong kaliwa’t kanan ang pistahan sa lalawigan.

Kinagigiliwan nila ang cast ng isang afternoon show dahil sikat na ang artista eh gusting-gusto pa nila ang isang baguhang aktor na kasama sa cast.

Semi-regular lang ang aktor pero may dating din siya kahit moreno ito. Pero ang ikinagusto ng tao sa aktor, ‘yung galing niyang gumiling at kumadyot sa dance number niya!

Eh mabato ng young actor ang galing sa sayaw lalo na kapag may babae siyang kasama sa stage, huh!

vuukle comment

EDDIE GARCIA BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with