Firefly, tuloy pa rin ang international screenings
Wow unstoppable ang Firefly fever dahil ang award-winning film ng GMA Network ay may international screening mula Feb.16 hanggang 22 sa iba’t ibang lugar sa United States.
Matapos tanghalin bilang big winner ng Manila International Film Festival noong Feb. 3 sa Hollywood, patuloy pa rin ang pagpapalabas ng pelikulang sa mga sinehan sa California.
Kabilang dito ang mga sinehan sa Ontario (Ontario Palace Cinema), San Diego (Mira Mesa, Reading Town Square), Carson (Cinemark Carson), Elk Grove (Elk Grove Laguna), Cerritos (Cerritos STM), West Covina (West Covina STM), Vallejo (Vallejo 14), San Bruno (Century Tanforan), Union City (Union City 25), at Milpitas (Milpitas Great Mall).
Bukod sa California, mapapanood din ang Firefly sa iba pang US states tulad ng Las Vegas (Century Orleans Cinema), Portland (Eastport Plaza), Guam (Guam Megaplex), Houston (Gulf Pointe), Richmond (Cinemark Longmeadow), Olympia (Century Capital Mall), Aiea (Consolidated Theatres Pearlridge), Kapolei (Consolidated Theatres Kapolei), at Northern Mariana Islands (Saipan Megaplex).
Matatandaang inuwi ng Firefly ang mga award na Best Picture, Best Screenplay (Ms. Angeli Atienza), Best Director (Direk Zig Dulay), at Best Supporting Actress (Ms. Alessandra de Rossi) noong MIFF sa Hollywood, habang Best Picture, Best Screenplay, at Best Child Actor (Euwenn Mikael) naman ang napanalunan nito sa Pilipinas noong MMFF 2023.
Dasurv na dasurv nga raw ng Firefly ang mga papuri at award. Kaya naman ang ibang Pinoy, humihiling na maipalabas ito sa mas marami pang bansa.
Mayor Joy at Cong. Arjo, makiki-jamming sa Righteous Act
Matutunghayan ang Righteous Act Band, na pinangungunahan ni Jay Tuangco, sa nalalapit na 72nd Foundation Day at Grand Alumni Homecoming ng E. Rodriguez Jr. High School ngayong Feb. 23-25. Kabilang sa mga inanyayahang panauhing pandangal sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Cong. Arjo Atayde.
- Latest