Eric, may ipapa-raid na gumagamit sa kanyang daddy
Hindi masyadong umaasa si Eric Quizon na makakatanggap pa ng national artist award ang daddy niyang si Dolphy.
May nag-nominate ba ulit ngayon kay Dolphy for National Artist?
“’Yun ang hindi ko alam. Wala akong balita doon. But usually talaga there are people who really rally for my dad. Meron talaga. Parang whenever they open up, every time na may nomination, he always gets nominated,” pahayag ni direk Eric.
Pero tanggap na raw nila kung bibigyan o hindi ng nasabing karangalan ang kanyang daddy.
“Kami naman, kung ibibigay, then ok, kung hindi, ok lang din. Basta sa akin, my dad’s biggest contribution is that he made a lot of people happy. Kaya kaming mga anak, ang gusto lang namin talaga is continue his legacy.
“So actually, maraming mga pending project, even like mga pagkain and mga franchisees, they want to tie up with us and use dad’s name. May gumamit na, ‘yung whiskey, merong gumagamit din. Ang up to now, nagbebenta pa rin sila kaya inaasikaso na namin ‘yung mga papeles namin kasi anytime ire-raid na namin sila. Kasi, up to now, they are still selling whiskey with my dad’s face on it,” sabi pa niya sa amin nang maka-lunch namin ang talent management head ng Net 25.
So siya na ba ang bagong Kuya Germs (German Moreno) na nagdi-discover ng mga bagong talent?
“Mahirap pantayan si Kuya Germs. Kumbaga haligi ‘yan.
“Pangalawa hindi naman ako kasali sa gagawin niyang show. I want the kids to shine on their own,” sabi ni Direk Eric na talagang puspusan ang ginagawang training sa mga member ng Starkada na more than 30.
- Latest