^

PSN Showbiz

Coco, mas gustong maghirap kesa puchu-puchu

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, mas gustong maghirap kesa puchu-puchu
Coco Martin.
STAR/ File

Isang taon nang napapanood sa telebisyon ang FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ayon sa aktor na isa rin sa mga direktor ng serye ay talagang kaabang-abang pang lalo ang mga eksena simula ngayong Lunes. “Part na ito ng pagkalaya ni Tanggol. Aaralin na niya kung paano hawakan ang Quiapo at Maynila. Kasi sa bilangguan nakilala ko ‘yung character ni Tito Nonie Buencamino, si Marcelo. Then siya ang magtuturo sa akin kung paano ko gamitin ang aking utak. Kung paano ko gamitin ang aking abilidad at kakayahan na huwag kong sayangin sa pakikipag-away at pakikipagpatayan,” pagbabahagi ni Coco sa ABS-CBN News.

Ginagawa umano ng buong grupo ng Batang Quiapo ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapasaya ang mga manonood. “The more na mahirap gawin, the more na tumatatak sa ‘yo eh. Hindi uso sa amin ang salitang ‘puchu-puchu.’ The more na nahihirapan kami, the more na pinaghihirapan namin ang production o isang bagay na ginagawa namin, ‘yung fulfillment talagang ‘pag pinapanood na namin, ‘Paano natin nagawa ‘yon?’” nakangiting kwento ng aktor at direktor.

Matatandaang pitong taon ang inabot sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano na huling serye ni Coco. Hindi na umaasa ang aktor at direktor na mapapantayan o mahihigitan ito ng FPJ’s Batang Quiapo. “Hindi ko na talaga ini-expect dahil alam kong hindi na talaga mauulit ‘yon, ‘yung 7 years. Hindi ko na ina-achieve kung ilang taon, basta’t hanggang gusto ng manonood hanggang kailangan kami ng aming kompanya, nandito kami,” pagtatapos niya.

Robi, matagal nang life coach si Bianca

Simula mamayang gabi ay mapapanood na ang The Voice Teens Season 3. Sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ang magiging mga host ng naturang programa.

Lubos ang pasasalamat ni Robi dahil muling nakatrabaho si Bianca na itinuturing niyang life coach. “Sinabi ko naman even before, na I’m really glad na I’m working with my coach, not just for work, for life as well. I’m just really thankful and I wanna take this opportunity na magpasalamat. She has been a coach for life in my life,” makahulugang bungad ni Robi.

Naging bahagi ng The Voice ang TV host sa nakalipas na dekada. Para kay Robi ay masarap sa pakiramdam na masaksihan ang journey ng mga contestant sa kanilang reality show. “When you see those red chairs with the buttons, alam mo na we are all in for a big surprise. Lalo na kung sino mang artists ang tutuntong sa stage na ‘yon. Ang sarap sa feeling na kasama ka sa journey nila. For us, naririnig mo na ‘yung istorya, ‘yung pagbibigay mo pa lang ng envelope na, ‘Oy! Pasok ka sa blind auditions! Iniimbitahan ka namin!’ Nakaka-wow at nakaka-excite,” paliwanag niya.

Sina Martin Nievera, KZ Tandingan at Bamboo Mañalac ang mga coach ng The Voice Kids Season 3.

Ayon kay Robi ay talagang kaabang-abang din ang lahat ng sumaling contestants ngayon. “’Yung in-invite naming mga teen artists for this season, variety. We got ‘yung mga biritera, mga jazz, mga smooth. Iba’t ibang klase and kaakibat noon, iba’t iba rin ‘yung mga background and stories nila na dapat abangan ng mga Kapamilya,” pagtatapos ng TV host.  (Reports from JCC)

COCO MARTIN

FPJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with